PANCIT MIKI
Isa sa mga na-miss kong pagkain nung aking kabataan ay itong pancit miki. Kaya nga niutong nakaraang Linggo ay nagluto ako nito para maging almusal namin.
Ang sarap mag-luto ng ganito ang aking Inang Lina. Ang gulay na madalas niyang ilagay dito ay patola. Nilalagyan din niya ito ng hipon at yung ulo nito ay dinidikdik ng pino at isinasama sa pancit. Nagiging mas malasa ito dahil dito. Wala pa kasi nung magic sarap...hehehe
Kahit ano naman ay pwedeng ilagay sa pancit. Ang pinaka-importante dito ay yung sabaw o broth na gagamitin mo. Kung wala ka naman nito, pwedeng knorr cubes o kaya naman ay yung dinikdik na ulo ng hipon ang ilagay. Kayo na ang bahala kung anong mga sahog ang gusto nyong ilagay. Ika nga ang sahog para sa pancit ay endless.
PANCIT MIKI
Mga Sangkap:
500 grams Miki noodles
250 grams Chicken Liver (cut into small pieces)
250 grams Chicken Breast (boiled also and cut into small pieces)
100 grams Pork Liver (thinly sliced)
50 grams Baguio Beans (sliced sideways)
15 pcs. Squid Balls (cut into small pieces)
1 large carrots cut into strips
3 cups Chicken broth (pinaglagaan ng atay at chicken breast)
5 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
1 tsp. maggie magic sarap
1/2 cup Soy Sauce
2 tbsp. Oyster Sauce
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito ang squid balls hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
3. Ilagay ang atay ng manok at atay ng baboy. Timplahan ng asin at paminta. Hayaan munang maluto.
4. Ilagay ang manok, carrots at baguio beans. Timplahan na din ng maggie magic sarap, toyo at oyster sauce.
5. Kung luto na, humango o kumuha ng kaunting ginisang sahog para pang-toppings.
6. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok. Hayaang kumulo.
7. Ilagay ang miki. Halu-haluin hanggang sa maluto.
8. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang naunang hinangong pang-toppings.
Ihain habang mainit pa. Pigaan ng katas ng calamansi bago kainin.
Enjoy!!!!
Comments