SAUSAGE & EGG SCRAMBLED


May mga mail akong natatanggap na nagre-request na sana daw ay mag-post naman ako ng ulam na pang-breakfast. Sa totoo lang, yan din ang problema ko...hehehehe. Ang hirap kasing mag-isip ng pang-almusal na ulam.

Nakakasawa na din kasi ang itlog, longanisa, tocino, hotdog, luncheon meat, corned beef at marami pang ba. Siguro ang mainam na gawin ay lagyan ng kaunting twist ang mga ito para magkaroon ng bagong lasa at itsura.

Katulad na lang ng entry kong ito for today. Simpleng sausage or hotdogs nilagyan ko lang ng itlog at kaunting sweet-chili sauce and presto, isang masarap na pang-ulamang kinalabasan. Pwede din ito na palaman sa tinapay.

Try no ito. All in one pang-almusal at pang-snacks din.


SAUSAGE & EGG SCRAMBLED
Mga Sangkap:
8 pcs. Jumpo size Hotdogs or sausages sliced
4 Eggs beaten
1 large White Onion sliced
4 cloves Minced Garlic
1 large Tomato sliced
1/2 cup Sweet-chili Sauce
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang sausage or hotdogs sa butter hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyna.
2. Sunod na i-prito ang itlog. Halu-haluin para hindi mag-buo-buo ang itlog. Ilagay sa gilid ng kawali.
3. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Halu-haluin.
4. Ibalik sa kawali ang piniritong sausage. Timplahan ng asin at paminta.
5. Ilagay ang sweet-chili sauce.
Hanguin sa isang lalagyan at ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy