SPICY CHICKEN FILLET in PEANUT-LIVER SAUCE


Mahilig ako sa mga spicy food. Yung hindi naman super anghang ha. Kaso hindi ako masyadong makapagluto ng ganun kasi nga baka hindi makain ng mga anak ko. Ang ginagawa ko na lang konting anghang lang ang itinitimpla ko.

Kagaya nitong entry ko for today. Spicy chicken fillet. Para siyang chicken caldereta na may nkaunting twist. Also, thigh fillet ang ginamit ko dito. Ang masasabi ko lang? winner ang dish na ito. Tamang -tama lang ang anghang at yung lasa ng liver spread at peanut butter...panalo.


SPICY CHICKEN FILLET in PEANUT-LIVER SPREAD SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet cut into serving pieces
1 small can Reno Liver spread
1 tbsp. Peanut Butter
1 tbsp. Pickle relish
1 tsp. Worcestershire Sauce
1 tsp. Cayene powder
2 pcs. Potatoes cubes
1 large Carrot cubes
2 pcs. Siling pang-sigang sliced
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
2 tbsp. Olive oil
1/2 cup Soy sauce
Salt and Pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta, worcestershire sauce at cayene powder. Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa.
2. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Ilagay ang minarinade na manok. Halu-haluin.
4. Timplahan ng toyo at pickle relish. Takpan at hayaan ng mga 5 minuto.
5. Ilagay ang patatas at carrots.
6. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang liver spread at peanut butter. Halu-haluin para hindi manikit ang ilalim na bahagi ng kaserola.
7. Huling ilagay ang siling pang-sigang.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy