TORTANG GINILING with 5 SPICE POWDER


After ng aking pagkakasakit nitong mga nakaraang araw, narito ang una kong recipe na gusto kong i-share sa inyo. Tortang Giniling with 5 spice powder.

Simple lang at madali lang itong lutuin. Ayos na ayos ito sa mga nag-ba-budget na misis. Matipid sa bulsa pero hindi sa lasa.


TORTANG GINILING with 5 SPICE POWDER


Mga Sangkap:
400 grams. Ground Pork

1 tsp. 5 Spice powder

Juice of 1/2 Lemon

4 pcs. Eggs beaten

2 pcs. Medium Size Potatoes cut into small cubes

2 pcs. Tomatoes cut also into small cubes

5 cloves Minced Garlic

1 large Onion finely chopped

salt and pepper to taste

1 tbsp. Butter or Olive oil


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa butter.

2. Ilagay ang giniling na baboy at halu-haluin.

3. Timplahan ng asin, paminta at 5 spice powder. Ilagay na din ang katas ng lemon.

4. Ilagay na din ang patatas at 1/2 tasang tubig. Maaring takpan hanggang sa maluto ang patatas at konti na lang ang sabaw o tubig.

5. Ihalo ang nilutong giniling sa binating itlog. Huwag isama ang sabaw o mantika kung mayroon pang natira. Haluing mabuti.

6. Ibalik sa kawali ang pinaghalong itlog at giniling. Maaring takpan para maluto na buo.

7. Kumuha ng plato na kasing laki ng tortang niluluto. Itaklob ito sa nilulutong torta at saka baligtarin. Ibalik muli sa kawali ang torta para maluto naman ang kabila nito.

Hanguin sa isang lalagyan at ihain kasama ang paborito nyong catsup o kaya naman ay sweet-chili sauce.

Enjoy!!!!

Comments

Vanessa said…
ok na po ba kayo?
Dennis said…
Thanks Vanessa...Ok naman ako...diet lang talaga.
Anonymous said…
chaka

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy