BEEF & BROCOLLI in OYSTER SAUCE



Sa lahat ng recipe na nai-post ko sa food blog kong ito mula nang ito ay mag-simula, itong Beef with Brocolli in Oyster sauce ang may pinaka-maraming hits o views na nakuha. Sabagay, sino ba naman ang hindi nasarapan at masasarapan sa dish na ito? Winner talaga ito.

Kaya nga kahit may kamahalan ang Sirloin beef at brocolli, niluto ko pa rin siya nitong isang araw. Gamit ang imported na ouster sauce na nabili ko sa Puregold sa Clark nung fieldtrip ng anak kong si Anton, mas lalong sumarap ang dish na ito na tinangkilik ng marami.

Ang pagkakaiba pala ng entry kong ito compare dun sa una, first, sirloin ang ginamit ko dito na may kamahalan. P300 ang kilo nito sa Farmers market, second is yung oyster sacue na ginamit ko and third is yung presentation ng brocolli....hehehehe

Try it! Panalo talaga ang dish na ito.


BEEF & BROCOLLI in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Sirloin cut into bite size pieces
1/2 kilo Brocolli cut laso into serving pieces
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Brown Sugar
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion Sliced
1 tsp. Sesame oil
salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive oil
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baka sa 1/4 cup na oyster sauce, 1/4 cup na toyo, asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang kaserola o non-stick pan, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
3. Ilagay ang minarinade na baka at hayaang masangkutsa sa loob ng mga 5 minuto.
4. Lagyan ng kaunting tubig at takpan.
5. Samantala, i-steam ang brocolli at budburan ng iodized sa ibabaw. Huwag i-overcooked.
6. Kung malambot na ang baka, ilagay ang brown sugar at ang natitira pang oyster sauce at toyo. Hayaan pa hanggang a kumonte na lang ang sauce.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. To assemble, ilagay paligid ng isang pandehado ang nilutong brocolli at hanguin sa gitna nito ang nilutong beef.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!

Comments

J said…
Yeah masarap talaga ito. I will try this one of these days, kuya!
Dennis said…
One of my favorite J.....Try mo and let me know the result

Thanks J
Unknown said…
Salamat sa post na ito. Birthday kase tom ng babe ko and Im looking kung ano pa ang hindi nya natitikman sa mga lutong pinoy?
Dennis said…
I'm sure magugustuhan niya ang beef dish na ito bagamat hindi naman ito filipino dish.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy