BEEF POCHERO version 2

Isa sa mga paborito kong ulam na lutuin ay itong beef prochero. Gustong-gusto ko kasi yung lasa na nagaagaw ang asim at tamis ng sauce. At syempre ang ibat-ibang klaseng gulay na nakahalo dito.

This is my second version ng dish na ito. Kakabasa ko kasi ng mga recipes sa iba pang food blog, marami pala talagang version ng dish na ito. Ofcourse bukod pa yung pochero version ng mga Cebuano na parang Bulalo naman dito sa Manila.

At komo nga mahirap pakainin ng gulay ang aking mga anak lalo na ang pangalawa kong si James, ito ang ipinabaon ko sa kanilang lunchbox. Naubos naman, komo nga siguro masarap ang manamis-namis na sauce.


BEEF POCHERO version 2

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
3 pcs. Chorizo de Bilbao or Macao Sausage
2 cups Tomato Sauce
a bunch of Pechay Tagalog
1/2 Medium size Cabbage (hiwain sa nais na laki)
1 pc. large Carrot cut into cubes
2 pcs. large Sweet Potato cut into cubes
5 pcs. Saging na Saba cut into 2
3 tbsp. Brown Sugar
5 cloves minced garlic
1 large Onion chopped
2 tbsp. Olive oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
2. Ilagay ang karne ng baka. Timplahan ng asin at paminta at halu-haluin.
3. Lagyan ng tubig at hayaang kumulo. Alisin ang mag naglutangan na namoung dugo pa ng baka.
4. Kung malapit ng lumambot ng baka, ilagay chorizo de bilbao, tomato sauce, carrots at saging na saba.
5. Makalipas ng mga ilang minuto ilagay naman ang kamote.
6. Huling ilagay ang pechay at repolyo. Halu-haluin.
7. Ilagay na ang brown sugar at tikman ang lasa ng sauce.
8. I-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nagaagaw ang asim, alat at tamis ng sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy