CREAMY PASTA with BASIL and PAN-GRILLED CHICKEN
Here's a pasta dish na tiyak kong magugutuhan ninyo lalo na yung mga nag-iisip ng kung ano ang ihahanda sa kanilang Noche Buena at maging sa kanilang Media Noche.
Ofcourse hindi mawawala ang mga pasta dishes sa mga ganitong okasyon. Ipahinga na muna natin ang ating spaghetti recipe at i-try naman natin ang naiiba kumpara sa pangkaraniwan na nakakain naman natin sa mga nagkalat na fastfood chain.
Tiyak ko na magugustuhan ninyo ito dahil bukod sa masarap na madali pa itong lutuin. Hindi rin mahirap ang mga sangkap dahil mabibili naman din natin ito sa mga palengke or supermarket.
Try nyo ito...masarap talaga.
CREAMY PASTA with BASIL and PAN-GRILLED CHICKEN
Mga Sangkap:
500 grams Fettucine Pasta
3 whole Chicken Breast Fillet
2 cup All Purpose Cream
1/2 cup Butter
1 cup Fresh Basil leaves finely chopped
2 cups Grated Cheese
5 cloves minced garlic
1 large White onion chopped
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang pasta ayon sa package direction.
2. Gamit ang kitchen mallet pukpukin o pitpitin ang chicken breast fillet hanggang sa numipis ito ng kaunti. Magtira ng 1 pc. nito at hiwain ng maliliit.
3. Timplahan ng asin at paminta ang manok at hayaan muna ng mga ilang minuto bago i-pan-grilled.
4. Sa isang non-stick na kawali i-prito o i-pan-grilled ang manok sa kaunting butter hanggang sa pumula lang ito ng kaunti. Hanguin sa isang lalagyan.
5. Sa parehong kawali, ilagay pa ang natitirang butter at igisa ang bawang at sibuyas.
6. Sunod na ilagay ang ginayat na manok. Halu-haluin.
7. Ilagay na din ang chopped basil leaves at all purpose cream. Hayaan ng mga 2 minuto.
8. Timplahan ng asin at paminta. Ilagay na din ang kalhati na grated cheese.
9. Tikman at i-adjust ang lasa.
10. Ilagay ang nilutong fettucine. Haluing mabuti
hanggang ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
11. Maglagay ng pasta sa isang plato at lagyan ng grated cheese at hiniwang grilled chicken sa ibabaw.
Ihain na may kasamang toasted or garlic bread.
Enjoy!!!!
Comments
Noobfoodie