CRISPY HERBED PORKCHOPS


Nag-request ang pangalawang kong anak na si James na pritong porkchops ang ipabaon ko sa kanya sa kanyang school field trip. Kaya naman sinunod ko ang hiling niya. Kaso, nung araw ng kanilang field trip ay nagkaroon ng bagyo at hindi natuloy ang kanilang lakad. Ang nangyari, kami ang kumain ng porkchops na hiniling niya...hehehehe.

Very common ang entry kong ito for today. Ang mai-share ko sa inyo dito ay kung papaano magiging mas masarap at crispy ang inyong pork chops.

CRISPY HERBED PORKCHOPS

Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops (piliin yung hindi masyadong makapal ang taba at hindi gaanong makapal ang hiwa)
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Rosemary
2 cups Casava Flour
1 tbsp. Garlic Powder
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 Egg beaten
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang porkchops sa asin, paminta, garlic powder, dried basil at dried rosemary. Hayaan ng mga 1 oras o mas matagal pa.
2. Kung lulutuin na, ihalo ang binating itlog sa minarinade na porkchops. Dapat ma-coat ng binating itlog ang lahat ng porkchops para dumitkit ang casava flour na gagamitin.
3. Sa isang plastic bag, paghaluin ang casava flour at maggie magic sarap.
4. Ilagay dito ang minarinade na porkchops (huwag isama ang marinade mix ha) at alug-alugin hanggang sa ma-coat ng casava lour ang lahat ng karne.
5. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

Ihain ito habang mainit pa kasama ang paborito ninyong catsup o kaya naman ay Mang Tomas Sarsa ng Lechon.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy