FOUR CHEESE MACARONI

My family love pasta dishes. Kaya naman kung may pagkakataon at kung may espesyal na okasyon nagluluto ako nito.


Sa tatlo kong anak at sa aking asawang si Jolly, iba-iba sila ng gusto na luto sa pasta. Ang wife ko ang gusto niya ay yung hindi masyadong ma-sauce. Gusto niya yung kagaya ng pasta with pesto or just basil, cheese and garlic pasta. Ang bunso kong si Anton, yung white sauce naman ang gusto. Ah yung dalawa sina Jake at James kahit ano basta pasta dish gustong-gusto nila.


Kaya naman nitong nakaraang Linggo, ito ang niluto ko kahit na walang okasyon for our breakfast. Alam nyo kung ano ang sabi ng bunso ko habang kumakain kami? Tirhan daw siya nito for his snack. hehehehe


Gusto ko itong product na ito ng Del Monte. Itong Four cheese Spagetti sauce nila. Masarap talaga siya sa pasta at kahit na konti lang ang sahog ko dito ay okay na okay pa din. Yun lang nilagyan ko pa ng konting brown sugar ang sauce para mas tumama sa panlasa ng mga bata. Okay na okay talaga ito lalo na sa darating na paskong ito. Try nyo!!!


FOUR CHEESE MACARONI

Mga Sangkap:

500 grams Elbow Macaroni

3 cups Del Monte Four Cheese Spaghetti Sauce

100 grams Ground Pork

100 grams Sweet ham (cut in to strips)

3 tbsp. brown sugar

5 cloves Minced Garlic

1 large Onion chopped

1 tsp. Dried Basil

2 tbsp. Olice Oil

salt and pepper to taste

1 cup grated Cheese


Paraan ng pagluluto:

1. Iluto ang elbow macaroni according to package directions. Huwag i-overcooked.

2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.

3. Sunod na ilagay ang giniling na baboy. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.

4. Timplahan ng asin, paminta at dried basil.

5. Ilagay na din ang spaghetti sauce at ham. Halu-haluin. Hayaan ng mga 5 minuto

6. Ilagay na din ang brown sugar at tikman. I-adjust ang lasa.

7. Ilagay na ang nilutong macaroni. Haluin hanggang sa ma-coat ang lahat ng pasta ng sauce.

8. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang grated cheese.

Ihain kasama ang inyong paboritong tinapay o toasted bread.

Enjoy!!!!

Comments

Marana said…
favorite ko talaga mga pasta.

Noobfoodie
Mel_Cole said…
Yay, four cheese macaroni and cheese? hmmm, haven't heard of that. But your dish looks delicious.

My Food Trip Friday post
Dennis said…
MommyLES....click mo yung pasta archive sa right side. Madami pang pasta dishes na recipe dun.

Salamat sa pagbisitia


Dennis
Dennis said…
@ Mel Cole..... Four Cheese Spaghetti sauce is another pasta sauce product of Del MOnte. Try mo ito, masarap kahit walang ibang sahog.

Dennis
peacemaker said…
aus e2 sir dennis, macaroni..subukan ko lutuin maya, taga sanjose pala mrs mo, taga batngas dn ako sa conception lpit lan dun, IT ka rin pala, helpdesk po ako d2 sa isang banko sa qatar, hanga na ang asawa ko saken eh sa pagluluto, hehehe..sa kababasa ng food blog mo, salamt sir, Godbless sau at sa family mo...
Dennis said…
Hi peacemaker....wala bang opening dyan? Hehehehe

Salamat naman ang nakakatulong din pala ako kahit sa munti kong food blog na ito. I hope i-share mo din ito sa mga relatives and friends mo.

God bless You... :)

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy