GINATAANG TULINGAN na may GULAY

Nagbabakasyon sa aming bahay ang biyenan kong si Inay Elo. Hindi siya masyadong mahilig sa mga karne na ulam kaya naman dinadalasan ko ang pagluluto ng mga ulam na isda.

Kaya naman nitong isang araw ay naisip kong mag-luto ng ginataang tulingan. Nung una simpleng ginataan lang ang plano ko. Pero nai-suggest ng pamangkin ng asawa ko na si Keth na kasama din namin dito sa bahay na mas masarap daw kung lalagyan ko ng sitaw ng talong. Nabanggit din niya na mainam daw na i-prito ko muna ang isda saka ko gataan. At yun nga ang ginawa ko. Aba masarap nga. :)


GINATAANG TULINGAN na may GULAY

Mga Sangkap:
1 kilo Tulingan
100 grams String Beans (Sitaw) Hiwain sa nais na haba
100 grams Egg Plant (Talong) Hiwain sa nais na laki
400 ml. Coconut milk ( 1 can) or Kakang gata from 1 coconut
1 thumb size Ginger sliced
4 cloves minced Garlic
1 medium size Onion chopped
1 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplaha ng asin ang tulingan. Hayaan muna ng ilang minuto.
2. I-prito ang tulingan hanggang sa pumula lang ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika na pinagprituhan ng isda.
4. Ilagay ang sitaw at gata ng niyog. Hayaang kumulo ng ilang minuto.
5. Ilagay na ang piniritong isda. Ilagay na din ang talong at timplahan ng paminta at maggie magic sarap. Hayaang kumulo hanggang sa maluto ang talong.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy