HEALTHY CHOPSUEY
After na ma-diagnosed ako na diabetic naging medyo alalay ako sa mga kinakain. Ako lang naman. hehehehe. Kaya kung mapapansin ninyo ganun pa din naman ang niluluto ko para sa aking pamilya. Yun ang mahirap sa parte ko, gusto ko man na kumain ng marami ng mga niluluto ay hindi pwede, mahirap na na maaga ang kamatayan ko. Hehehehe.
Matatamis na pagkain, kanin at moderation sa aking mga kinakain ang kailangan lang naman talaga para ma-control ko ang aking blood sugar. HIndi naman kailangan na hindi ka kakain. Syempre dapat healthy ang pagkain na kinakain.
Katulad nitong simpleng entry ko na ito. Chopsuey without pork or chicken. Squid balls lang ang ginamit kong sahog at oyster sauce. Winner ang chopsuey na ito.
Mga Sangkap:
15 pcs. Squid balls quartered
1 cup sliced Carrots
1 cup Sliced Baguio beans
1 pc. Sayote Sliced
1 cup Brocolli
1 cup Cauliflower
1 large pc. Red Bell pepper curt into cubes
1 small Cabbage chopped
1/2 cup Oyster Sauce
salt and pepper to taste
2 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Maggie magic Sarap
1 large Onion chopped
5 cloves minced garlic
1 tsp. sesame oil
2 tbsp. Olive oil
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o non-stick pan, i-prito ang squids balls sa olive oil hanggang maluto at pumula.
2. Itabi sa gilid ang piniritong squid balls at igisa ang bawang at sibuyas.
3. Unang ilagay ang baguio beans, carrots, sayot, brocolli at cauliflower. Halu-haluin.
4. Lagyan ng mga 1/2 tasang tubig. Hayaan hanggang sa maluto ang gulay. Huwag i-overcooked.
5. Sunod na ilagay ang red bell pepper, oyster sauce at toyo.
6. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
7. Huling ilagay ang repolyo at timplahan ng sesame oil. Hayaan pa ng mga 2 minuto o hanggang sa maluto na ang repolyo.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments