LUMPIANG SHANGHAI - In my Dreams

Last October 30 ilang araw bago mag-undas, napanaginipan ko ang aking namayapang Inang Lina. Sa aking panaginip, inutusan niya akong mag-luto ng lumpiang shanghai at ipamigay ito sa mga taong tumulong sa kanya nung siya ay nagkasakit.

Malinaw na malinaw ang instructions niya sa at pagkagising ko kinabukasan ay ipina-alam ko agad ito sa aking kapatid si Shirley na nasa Bulacan. Pinakiusapan ko din siya na gawin ito komo nga nasa Batangas ako noon.
Nitong isang araw, tinupad ko ang utos ng aking Inang na mag luto nga ng Lumpiang Shanghai. Iniba ko na lang ang pamamaran ng pagluluto at dinagdagan ko ng iba pang mga sangkap.
Yun naman ang maganda sa lumpia...kahit ano pwede mong isahog dito para mas lalo pang sumarap. At isa pa, sa version kong ito niluto ko muna yung palaman bago ko binalot ng lumpia wrapper. At hindi naman ako nagkamali, masarap at nagustuhan ng mga anak ko ang lumpiang prito na ito.
LUMPIANG SHANGHAI - In my Dreams
Mga Sangkap:
1/2 kilo Ground Pork
250 grams Beans Sprout or Toge
40 pcs. Lumpia Wrapper (yung square ang ginamit ko dito)
1 tsp. 5 Spice Powder
1/2 cup Chopped Wansuy or Cilantro
1 cup Grated Cheese
2 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Ground Black pepper
1 tsp. Brown Sugar
1 tbsp. Sesame oil
1 large Onion finely chopped
5 cloves Minced Garlic
2 tbsp. Cooking oil or Butter
2 cups Cooking Oil for frying
1 Egg beaten
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika o butter.
2. Isunod na ilagay ang giniling na baboy at saka timplahan ng asin at paminta. Halu-haluin hanggang sa mawala na ang pagkapula ng karne.
3. Ilagay na ang toyo, 5 spice powder, oyster sauce at brown sugar. Hayaan ng mga 2 minuto.
4. Huling ilagay ang bean sprout o toge, chopped wansuy, sesame oil at grated cheese. Halu-haluin.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.
6. Hanguin sa isang lalagyan at i-drain ang natitirang sabaw. Palamigin muna.
7. Balutin ang nilutong giniling sa lumpia wrapper ayon sa nais ninyong laki at haba. Lagyan ng binating itlog ang gilid ng lumpia wrapper para maisara at hindi bumuka habang pini-prito.
8. I-prito ang lumpia sa kumukulong mantika hangang mag-golden brown ang kulay.
9. Hanguin sa lalagyang may paper towel para maalis ang excess na mantika.
Ihain habang mainit pa kasama ang inyong paboritong catsup o sweet and chili sauce.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy