PAN-GRILLED PORK STEAK


Isa sa mga gusto kong parte ng karne ng baboy ay itong pork steak. Ewan ko basta ito ang naka-label sa kanya pag bumibili ka sa supermarket. Hehehehehe. Ito yung parte ng baboy na parang marble ang itsura at parang porkchops ang hiwa.

Ang maganda sa parte ng baboy na ito ay hindi ito dry pagkatapos mong lutuin. Juicy pa rin ito at malasa. Ayos na ayos ito na inihaw o pa-steak nga.

Ito ang ginawa ko sa nabili kong pork steak nitong nakaraang araw. Simpleng marinade mix lang ang ginawa ko at presto isang masarap na ulam ang naihain ko sa aking pamilya.


PAN-GRILLED PORK STEAK

Mga Sangkap:
1 kilo Pork steak (pork shoulder ata din ang tawag dito)
1 pc. lemon (1 tbsp. lemon zest at juice)
1/2 cup Worcestershire Sauce
salt and pepper to taste
1/2 cup Honey
1/2 cup Barbeque sauce

Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baboy sa asin, paminta, lemon zest at juice at worcestershire sauce. Hayaan ng mga isang oras. Overnight mas mainam.
2. I-ihaw ang karne sa non-stick na kawali o sa live na baga hanggang sa maluto.
3. Bago hanguin pahiran ito ng pinaghalong barbeque sauce at honey.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

mhay said…
thnx kuya dennis kc ginawa mo tong site na to ... i love ur site kc dito ako kumukuha ng recipe .. indi ako marunong mag luto pero gusto ko matutu kc dream ko na maging chief someday .. keep up the good work kuya dennis ! :)
Dennis said…
Salamat Mhay..sa mag katulad mo kaya ako nagpapatuloy sa foodblog kong ito. Wala naman akong bayad na natatanggap sa bog na ito...pero yung malaman ko na nabasa na nakakatulong pala ako ay ayos na. Sana lang mai-share mo din ito sa iba mo pang mga kamag-anak at kaibigan.

Thanks again


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy