PISTEK na TALAKITOK
Isa sa mga paborito kong ulam ang bistek tagalog. Yun bang sliced beef na nilagyan ng katas ng calamansi at toyo. Gusto-gusto ko nito lalo nayung sauce. Yun bang naghahalo na asim at alat.
May fish steak na entry na din ako sa blog kong ito. Yun lang ang pagkakaiba ay ang klase ng isdang ginamit. Kahit anong isda naman pwede sa fish steak. Huwag lang yung masyadong matinik o kaya naman ay maliliit katulad ng dilis....hehehehe.
Nang makita ko ang talakitok na ito sa palengke sa Farmers market, fish steak agad ang naisip na gawing luto dito. Ang ganda kasi nang pagkaka-sliced nito at sariwang-sariwa talaga. Sa mga biyenan ko sa Batangas ko pala niluto ito nung umuwi kami nung undas. Nakakatuwa naman at nagustuhan din nila.
PISTEK na TALAKITOK
Mga Sangkap:
1 kilo Sliced Talakitok
2 large Red Onion cut into rings
5 cloves minced Garlic
10 pcs. Calamansi (juice)
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang isda. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang maluto at pumula ang magkabilang side nito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, bawasan ang mantikang pinag-prituhan.
4. Unang i-prito ang onion rings. Hanguin agad sa isang lalagyan. Huwag i-overcooked.
5. Igisa ang bawang at ilagay na ang toyo.
6. Ilagay na din ang katas ng calamansi at tinunaw na cornstarch.
7. Timplahan pa ng paminta at maggie magic sarap.
8. Tikman at i-adjust ang lasa
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong isda at ilagay ang piniritong onion rings sa ibabaw.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments