PORKLOIN in HONEY, BARBEQUE and HOISIN SAUCE
Tuwing Lunes hanggang Biyernes, maaga akong gumigising para mag-prepare ng mga babaunin nila pag-pasok nila sa school. 5:30am pa lang kasi ng ga ay sinusundo na sila ng kanilang service. Kaya naman 3:45 pa lang ay gising na ako para magluto ng pang-breakast nila at pang-baon.
Para hindi ako kapusin sa oras, minsan niluluto ko na sa gabi ang ang pang-ulam nila. Kung mga prito-prito lang naman, okay na na sa mismong araw na ito iluluto.
Kagaya nitong entry ko for today. Tinimplahan ko na ito at niluto nung gabi pa lang at kinabukasan naman ay saka ko na lang ipinagpatuloy ang pagluluto. Kung baga, pinalambot ko na sa gabi at finishing na lang sa kinabukasan.
Masarap ang dish na ito. Pwedeng-pwede din ito sa mga espensyal na okasyon katulad ng pasko o Bagong Taon. Tiyak ko na magugustuhan ito ng inyong pamilya.
PORKLOIN in HONEY, BARBEQUE and HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Porkloin (lomo)
1 8oz. Sprite
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1/2 cup Barbeque Sauce
1/2 cup Pure Honey
2 tbsp. Hoisin Sauce
1 head Minced Garlic
3 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Ground Pepper
1 tbsp. Rock Salt
Paraan ng pagluluto:
1. Tusuk-tusukin ng kutsilyo ang paligid ng karne.
2. Kiskisan ito ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto o higit pa.
3. Ilagay ito sa isang kaserola kasama ang Sprite, worcestershire sauce, Soy sauce, barbeque sauce, minced garlic at brown sugar.
4. Pakuluan/lutuin ito hanggang sa lumambot ang karne.
5. Sa isang non-stick na kawali isalin ang pinalambot na karne at lagyan ng mga 1/2 tasa ng sabaw ng pinagpakuluan. Pakuluan muli hanggang sa kumonte na lang ang sauce.
6. Ilagay ang hoisin sauce at honey. Halu-haluin hanggang sa ma-coat ng sauce ang karne.
7. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin bago i-slice.
8. Ibuhos sa ibabaw na ini-slice na karne ang sauce.
Masarap kainin ito sa kanin o sa tinapay man.
Enjoy!!!!
Comments
my Food Trip Friday post
By the way, I would like to invite you for my Weekend Eating meme, if you want to join (and I hope you do), you can view the rules HERE. Thanks so much.