SARDINES and EGG



Para hindi maging boring ang mga pangkaraniwang dish na inuulam natin sa araw-araw, mainam din na maging experimental tayo sa ating pagluluto paminsan-minsan. Yun bang nilalagyan natin ng twist ang mga pamamaraan ng pagluluto o kaya naman ay yung mga sangkap na inilalagay natin.

Katulad na lang nitong dish na ito na entry ko for today. Ordinary sardines. Ano ba ang pwedeng gawin sa sardinas kundi igisa o kaya naman ay kainin straight from the can. Ang ginawa ko, nilagyan ko siya ng itlog at kung anong available na spices sa aking cabinet. Ang kinalabasa? Isang kakaiba at masarap na sardinas. hehehe. Try nyo din masarap talaga.


SARDINES and EGG

Mga Sangkap:

1 big can Sardines (any brand will do)

3 Eggs beaten

1/2 tsp. Dried Basil

4 tbsp. Olive oil

1 large tomato sliced

1 large Onion Sliced

5 cloves Minced Garlic


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang itlog sa 2 tbsp. Olive oil. Halu-haluin para hindi magbuo-buo ang itlog. Hanguin muna sa isang lalagyan.

2. Sa parehong kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa natitira pang olive oil.

3. Isunod ang sardinas at timplahan ng dried basil, asin at paminta ayon sa inyong panlasa.

4. Hayaang kumulo ng mga 2 minuto

5. Ilagay ang piniritong itlog bago hanguin sa isang lalagyan.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
naku kuya, pag wala akong maisip iluto, sardinas din kami. Gagayahin ko ito hehehe.
Dennis said…
Don't forget the dried herbs...ang laki ng ipinagkaiba niya sa ordinaryong gisa...hehehe
Anonymous said…
where is the sardines in the instruction??

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy