STEAMED & FRIED CHICKEN



Marami-rami na din ang nai-post kong fried chicken recipe sa blog nating ito. Bakit naman hindi? paborito itong ulam ng tatlo kong anak. Kaya naman challenge sa akin ang tumuklas pa ng iba pang pamamaraan sa pagluluto nito.

One of their favorite ay yung fried chicken ala Max. Ang maganda kasi dito ay yung sarap to the bones na tinatawag. O yung ubos talaga at buto na lang ang natitira dahil sa sarap at sa lambot ng manok.

Sa Max style fried chicken, inilalaga muna ang manok sa secret nilang spices at saka pini-prito ng lubog sa mantika. Dalawang beses nila ito pini-prito para maging mas malutong ang balat ng manok.

Dito nabuo ang inspirasyon ko nung niluto ko ang fried chicken na ito na entry ko for today. Yun lang, sa halip na ilaga ko ang manok, in-steam ko ito hanggang sa maluto.

OK naman ang kinalabasan. Nagustuhan ng aking mga anak at literal na buto na lang ang natira sa kanilang mga pinggan. Hehehehe.


STEAMED and FRIED CHICKEN
Mga Sangkap:
1 Whole Chicken cut into half
2 tbsp. Rock salt
1 tbsp. Sinigang Mix powder
1 tsp. Cayene Powder
1 tsp. Garlic Porder
1 tsp. Ground Pepper
2 tangkay Tanglad o lemon grass
2 thumb size Ginger sliced
cooking oil for frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang bowl paghaluin ang asin, paminta, sinigang mix, cayene powder at garlic powder.
2. Ikiskis ang pinaghalong mga sangkap sa manok. Lagyan pati yung kasingit-singitan ng manok. Hayaan muna ng mga 1 oras bago i-steam.
3. Sa isang kaserola na may steamer, magpakulo ng tubig at ilagay ang tanglad at luya. Hayaan munang kumulo ng mga 5 minuto bago ilagay ang manok.
4. I-steam ang manok sa loob ng mga 25 hanggang 30 minuto. Hanguin at palamigin muna bago i-prito.
5. Bago i-prito, punasan muna ng paper towel ang ini-steam na manok para hindi ito magtilamsikan habang piniprito.
6. I-prito ang manok hanggang mag-golden brown ang kulay.
7. Kung gusto nyo na extra crispy ang balat ng manok, matapos ang unang prito, palamigin muna at saka i-pritong muli.
Ihain kasama ang inyong paboritong catsup. I suggest Jufran banana catsup para Max na max ang dating.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy