STIR FRIED BEEF and ASPARAGUS
Once a week lang kami kung kumain ng karne ng baka. Medyo may kamahalan kasi ang karneng ito. Imagine kung buto-buto na pang laga mga 200 ang kilo. Kapag yung magagandang parte kagaya ng sirloin nasa 300 nama ang kilo.
Kagaya nitong entry ko for today. 1+Kilo ito ng sirloin na ang naging halaga ay P330, so dapat talagang masarap ang kakalabasan ng dish na ito. Tamang-tama na isahog ko dito ang medyo may kamahalan din na gulay na Asparagus. At ano ang magandang awing luto dito? Ano pa e di Stir Fry. Masarap, simple at tiyak kong magugustuhan ninyo.
STIR FRIED BEEF and ASPARAGUS
Mga Sangkap:
1 kilo Beef Sirloin cut into bite size pieces
200 grams Asparagus cut into 1 inch long
1/2 cup Oyster Sauce
1/2 cup Soy Sauce
1 large Onion sliced
1 tbsp. Brown sugar
5 cloves Minced Garlic
1 tsp. Cornstarch
1 tbsp. Sesame oil
2 tbsp. Cooking oil
salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang karne ng baka sa asin, paminta, toyo at oyster sauce. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Habang minamarinade ang karne, maaring i-blanch o i-steam ang asparagus. Huwag i-overcooked. Hanguin sa malamig na tubig pagkatapos para mag-stop na na maluto. I-drain.
3. Sa isang non-stick na kawali, igisa ang bawang at sibiyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang minarinade na karne ng baka at halu-haluin hanggang sa maluto kumonte na lang ang sauce.
5. Ilagay ang tinunaw na cornstarch at brown sugar. Halu-haluin.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Huling ilagay ang asparagus at saka hanguin sa isang lalagyan.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments