ALOHA CHICKEN WINGS




Papalapit na talaga ang Pasko. Eto at kabi-kabila ang mga parties at shopping ng mga tao. Pero hindi kami ha. Hehehehe. Parties Yes...

Kagaya nitong isang araw. Dalawang sunod na araw ang dadaluhan kong party. Kaya naman ugaga ako sa bahay sa kung ano ang ulam nila for the day. Medyo kagi na kasi ako makakauwi kaya naman yung pang dinner nila (ng mga bata) ay niluluto ko na.

Itong entry ko for today ang nailuto ko nga nitong isang araw. Actually, para din siyang pininyahang manok less the milk. But to add color at flavor na din, nilagyan ko na lang ito ng turmeric powder. Ang resulta? Isang masarap at simpleng ulam.


ALOHA CHICKEN WINGS

Mga Sangkap:

1 kilo Chicken Wings

1 medium size can Pineapple Chunk (reserve the syrup)

1 tsp. Turmeric powder

3 tbsp. Brown Sugar

1 large Onion sliced

5 cloves Minced Garlic

salt and pepper to taste

1/2 cup Butter


Paraan ng pagluluto:

1. Timplahan ang chicken wings ng asin at paminta. Hayaan ng mga 15 minuto.

2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang chicken wings sa butter hanggang sa pumula ng kaunti.

3. Ilagay ang bawang at hayaan ng mga ilang minuto.

4. Ilagay na ang pineapple syrup, brown sugar, turmeric powder at sibuyas. Takpan at hayaang maluto ang manok hanggang sa kumonti na lang ang sabaw.

5. Tikman at i-adjust ang lasa.


Ihain habang mainit pa.


Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy