BABY POTATOES with CHEESE and BACON

Ito ang isa sa mga dish na inihanda ko sa nakaraan naming Noche Buena. Actually, special request ito ng asawa kong si Jolly at talaga namang noon ko pa gusto i-try na magluto ng ganito. At tamang-tama nga na ihanda ko ito sa espesyal na okasyon kagaya ng Noche Buena.

BABY POTATOES with CHEESE and BACON
Mga Sangkap:
500 grams Baby Potatoes
250 grams Bacon
3 cups Cheese Wiz
1 cup Grated Cheddar Cheese
1/2 cup Butter
1 head Minced Garlic
1/2 tsp. Ground Black Pepper
Paraan ng pagluluto:
1. Hugasang mabuti ang baby potatoes at ilaga sa kumukulong tubig hanggang sa maluto.
2. Sa isang kawali, i-prito ang ginyata na bacon sa butter hanggang sa maging crispy ito. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Isunod na i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4. Ilagay na ang nilutong baby potatoes at isunod na din ang cheese wiz, grated cheese at paminta.
5. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat na patatas ng cheese.
6. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang crispy bacon na niluto.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy