CHICKEN ADOBO with EGG in RED WINE
Isa na namang simpleng dish ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Sabagay, sino namang pinoy ang hindi marunong mag-adobo? Kung baga, kahit naka-pikit ay kayang-kaya nating itong lutuin.
Kagaya ng madalas kong masabi sa iba ko entry na nai-post na, maraming pamamaraan at mga sangkap ang pwede nating gawin sa adobo. Basta hindi nawawala ang basic na sangkap (bawang, suka, toyo at paminta) ay adobo pa rin ito.
Marami na akong adobo recipes na nabasa at nai-try at isa na dito ang entry ko na ito for today. I think 2 o tatlong steps lang ang maisusulat ko para sa recipe na ito kaya ayos na ayos ito sa mga busy na Mom.
Try it at kakaibang adobo ang inyong matitikman.
CHICKEN ADOBO with EGG in RED WINE
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken drumstick
1 head Minced Garlic
6 pcs. Hard Boiled Egg (or kung ilan ang gusto ninyo)
1 cup Soy sauce
1 cup Red wine (yung medyo sweet variety)
1/2 cup Vinegar
1 tsp. Ground Black pepper
1 tsp. Cayene powder
2 tbsp. Brown Sugar
1 tsp. Cornstarch
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola o non-stick na kawali, pag-sama-samahin lang ang lahat ng sangkap maliban sa cornstarch at hard boiled eggs.
2. Takpan at pakuluan ito hanggang sa maluto ang manok at kumonte na lang ang sauce. Mga 15 hangang 20 minuto.
3. Ilagay ang tinunaw na cornstarch. Tikman at i-adjust ang lasa. Ilagay na din ang hard boiled eggs.
Ihain kasama ang mainit na kanin.
Enjoy!!!!
Comments
Noobfoodie
Spice Up Your Life
@ chubskulit....Try mo din ito...kakaiba ang lasa...but ofcourse adobo pa rin ito...level-up nga lang...hehehehe
@ J....ang mga anak ko basta chicken tiyak na walang tira ang baon...hehehehe
Thanks again
Dennis