HUNGARIAN SAUSAGES with UFC HONEY-BARBEQUE DIP
Na try nyo na ba yung bagong product ng UFC? Yung mga catsup base na mga sauces and dips na pwedeng gamitin sa mga gourmet dishes. Isa na nga dito ay yung Honey-Barbeque Sauce. Ofcourse alam natin na sikat sila sa kanilang banana catsup.
Ito ngang Honey-Barbeque Sauce ang ginamit ko sa entry kong ito for today. Simpleng dish lang ito na masarap talaga na i-ulam sa kanin o kaya naman ay sa tinapay. Ayos na ayos din ito lalo na kung nagmamadali kayo na makaluto lalo na sa umaga.
Also, Hungarian sausages ang ginamit ko dito. Ang gusto ko sa sausage na ito ay yung ganit factor and ofcourse yung smokey taste niya.
Try it at tiyak kong magugustuhan ito ng inyong mga anak.
HUNGARIAN SAUSAGES with UFC HONEY-BARBEQUE SAUCE
Mga Sangkap:
500 grams Hungarian Sausages (sliced)
1 cup UFC Honey-Barbeque Sauce
3 cloves minced Garlic
1 large Onion cut into rings
salt and pepper to taste
2 tbsp. Olive oil
1 tsp. Brown sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan i-prito ang sausages sa olive oil hanggang sa pumula lang ng kaunti.
2. Igilid sa kawali ang sausages at igisa ang bawang at sibuyas. Halu-haluin.
3. Ilagay na agad ang Honey-barbeque sauce. Timplahan ng kaunting asin, paminta at brown sugar.
4. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natirang onion rings.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments