KABI-KABILANG CHRISTMAS PARTY 2010
Basta tumuntong ang buwan ng Disyembre, asahan mo ang traffic at ang kabi-kabilang Christmas party. Sa pinapasukan ko lang na opisina ay mayroon kaming 3 party. Yung isa yung para sa department. Yung isa naman ay yung buong kumpanya. At itong huli naman ay yung para sa aming division.
Mascarade Party ang Theme ng party namin for this year. At katulad ng nakikita nyo sa larawan sa itaas, talaga namang pinaghandaan namin ang party na ito.
Ako mismo ang gumawa ng maskara na ginamit ko. May pagka-nationalistic nga ang naisip ko na design sa aking mask kaya naman nilagyan ko ito ng glitters glue na may Philippine Flag. Meron din kasing contest para sa may pinakamagandang design ng kani-kanilang maskara.
Syempre present ang aking mga Boss. Sina Ma'am Lou (in gold silver dress) at si Sir Joey (in blue necktie). Kasama ko din sa picture ang aking mga kasamahan sa grupo.
Halos lahat ay may mga suot na maskara. May simple lang at mayroon ding pinabongga talaga ang design.
Syempre, mawawala ba ang pagkain? May kanin syempre pero hindi na ako kumuha. Mayroon ding Tuna Pasta, Chicken cordon bleu, Lumpiang Ubod, Oriental Beef ata yun, at Fish Fillet in Asian sauce ba yun. Yung dessert ay hindi ko na nakuhanan ng picture. Fruits at mga sweet pastries din.
Crispy Kangkong ang inihandang appetizer. Yun lang may katigasan ang batter na ginamit kaya hindi siya ganun ka-crispy.
After ng masaganang hapunan ay inumpisahan agad ang pagtatanghal ng ibat-ibang grupo. 4 groups bale ang nag-performed. Yung picture sa itaas ang nanalo. Nagsayaw sila ng belly dancing.
Naging masaya ang Finance and Admin Division party na ito. Masaya at busog ang lahat na umuwi bandang 9:30 na ng gabi.
Sana sa aming pag-uwi, hindi lamang ang kasiyahan ang aming matandaan kundi ang tunay na kabuluhan ng party na yun..ang pagkakabuklod at pagmamahalan sa isat-isa.
Maligayang Pasko sa lahat!!!!!
Comments
Merry Christmas to you and your family, Kuya Dennis!