MALIGAYANG PASKO mula sa aking Pamilya

Ang Unang Pasko

Ang Pasko ang maituturing na pinaka-tampok na okasyon sa ating mga Kristyano sa buong taon. Kaya naman pag-tungtong pa lang ng BER months ay talaga namang ang nasa isip na natin ay ang pasko ngang darating. Lahat ay abalang-abala sa mga dekorasyon, mga regalo at kung ano-ano pa na kaialangan nilang ihanda sa kapaskuhan. Ang iba nga ay nagsisimula din na mamili ng mga pang-regalo sa kanilang mga inaanak at kaibigan.

Subalit ano nga ba talaga ang tunay na kahalagan ng Pasko? Maaaring magkakaiba tayo ng opinyon. Para sa akin, ang Pasko ay ang araw ng pagsilang ng ating Panginoong Hesus na siyang tumubos ng ating mga kasalanan.

Siya ang tunay na bida ng Pasko. Hindi si Sta. Claus o kaya naman ay si Snowman. At lalong hindi ang hamon na inihahanda natin sa noche buena.

Nakakalungkot lang isipin na nagiging materyal ang pagdiriwang ng Pasko. Para bang hindi matutuloy ang pasko kapag hindi ka nakapag-shopping o kaya naman ay wala kang bagong damit na isusuot.

Tandaan natin, si Hesus nung isilang sa unang Pasko, wala siyang magarang damit, walang marangyang higaan na sinilangan at walang maraming pagkain na nasa hapag. Kasama niya ang kanyang Inang si Maria, ang kanyang amang si Jose, ang mga pastol at ang mga hayop na kanilang pinapastol.

Katulad ng mga pastol at ng tatlong mago na pumaroon sa batang isinilang, sana tayo din ay lumapit sa kanya upang magpuri at magpasalamat sa mga biyayang ibinigay niya sa atin sa buong taon.
Mula sa aking buong pamilya, ang aking asawang si Jolly, ang aking mga anak na sina Jake, James at Anton, kami ay bumabati sa inyo ng isang:
MALIGAYANG PASKO at MAPAYAPANG BAGONG TAON!!!!

Comments

J said…
Ang ganda ng Christmas message mo, kuya. Merry Christmas din sa inyo!
Dennis said…
Thanks J....Wishing you ang your family a truly Blessed Christmas.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy