NOCHE BUENA 2010
Narito ang mga inihanda ko sa aming Noche Buena. Pasta with pesto, roasted pork ribs, roasted peking duck, fruity macaroni salad, crispy pata, shrimp in butter and garlic at basilica gelatin for the dessert. Yung shrimp at crispy pata wala sa original plan. Share kasi yun ng kapatid ng asawa kong si Jolly na si Lita.
Maaga naman akong nakatapos mag-luto. 9:30pm pa lang ay ready na ang dinner table namin. At kahit nangungulit na ang bunso kong si Anton na kumain na, hinintay pa din namin ang 12 midnight para sa tradisyong Noche Buena.
Nakakatuwa naman at nagustuhan ang lahat na inihanda ko. Nung una parang ayaw pa nilang i-try ang roasted peking duck. Pero nung matikman na nila ay talaga namang sunod-sunod ang hiling na i-slice ko sila. Hehehehe
Masaya ang lahat. Tunay naman na ramdam ang kapaskuhan. Pero syempre, ang mahalaga ay ang pagsasama-sama ng pamilya.
Sa aking asawang si Jolly at sa aking tatlong anak na sina Jake, James at Anton, para sa kanila ang mga inihanda ko at ang mga paghihrap na ginagawa ko.
Kasama di namin sa noche buenang yun ang mga kapatid ng aking asawa. In green si Lita na kubng tawagin namin ay si Laki. At si Ate Pina na pinakamatandabng babaeng kapatid ng asawa ko. Ofcourse, ang mahal kong biyenan na si Inay Elo.
May mga iba pang bisita na kasama kami nung gabing yun. Hindi ko na lang isinama ang picture at masyadong hahaba ang aking entry. Hehehehe
Dalangin ko, na sana sa susunod na noche buena ay makasama pa rin namin ang aking biyenan na si Inay Elo. Ang plano ko para next year? Mas masasarap na putahe para sa kanilang lahat. Hehehe
Paki-abangan na lang pala ang mga recipes ng mga nilutong kong pagkain na ito.
Maligayang Pasko at Mapayapang Bagong Taon.
Sa muli......
Comments