OATMEAL CRUSTED CHICKEN FILLET


Last Saturday nag-attend ako ng lecture about diabetis sa Makati Medical Center Diabetis Center. Kasama sa mga natutunan ko ang tamang diet para sa sakit na ito at kung papaano mako-control ang ating blood sugar.

Isa sa mga natutunan ko ang masamang naidudulot ng chicken skin na ating kinakain sa ating kalusugan. (Huhuhuhu..ang sarap pa naman ng crispy chicken skin) Kaya naman nitong nagluto ako ng fried chicken, breast fillet na walang balat ang ginamit ko. Ang tanong...hindi ba parang dry na dry naman ito pag naluto na? Oo...kung i-prito mo siya ng basta ganun na lang. Pero kung gagamitan mo siya ng breadings na magpapalutong pa rin sa kanya ay hindi.

Kagaya nitong entry natin for today. Oatmeal ang ginamit kong breadings. Crispy pa rin ang kinalabasan at para na ding may balat ang fried chicken na kinakain ninyo. Ofcourse, dont forget na idampi sa paper towel ang bagong pritong manok para maalis ang excess pa na mantika. Also, use healthy oil para naman hindi mabalewala ang pagkaalis nyo ng skin ng manok.

Try nyo ito....Masarap talaga.


OATMEAL CRUSTED CHICKEN FILLET

Mga Sangkap:
4 Whole Chicken Breast Fillet (Hatiin ang bawat isang piraso)

4 cups Ready to cook Oatmeal

2 cups All Purpose Flour

1 Egg beaten

4 pcs. Calamansi

1 tsp. Dried Thyme

1 tsp. Maggie Magic Sarap o Liquid seasoning

Salt and pepper to taste

cooking oil for frying (Canola)


Paraan ng Pagluluto:
1. Pukpukin ng chicken mallet ang bawat piraso na chicken breast hanggang sa medyo numipis ito. Ilatag sa isang bandehado.

2. I-marinade ito sa asin, paminta, katas ng calamansi, dried thyme at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 30 minuto.

3. Sa isang bowl paghaluin ang binating itlog, 1 cup ng harina at kaunting tubig para makagawa ng batter.

4. Ilagay dito ang minarinade na manok.

5. Sa isang plastic bag paghaluin ang 1 tasang harina at 4 cups na oatmeal.

6. Ilagay dito ang manok na inilagay sa batter. Huwag isama ang excess na batter. Alug-alugin ito hanggang sa ma-coat ng oatmeal ang lahata ng manok.

7. I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.

8. Hanguin sa lalagyan na may paper towel para maalis ang excess na mantika.

I-sliced bago ihain kasama ng paborito ninyong gravy o catsup.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
kuya dagdagan mo na lang ang insulin pag kumain ka ng chicken skin. Ganyan ginagawa ng biyenan ko eh hehehe.
Dennis said…
Tukso ka J....hehehehe.....di pa ako nagi-insulin...calculated diet ang ginagawa ko ngayon as advise ng doctor ko...Pero okay na din...pumapayat ako ng matipid...hehehehe.
oo,masarap nga yung chicken skin, kaso ayaw ng mga anak ko,kaya pag nagluto din ako ng fried chicken,I have to use breadings to make it crunchy kahit walang balat. Healthy din yung breading na ginamit mo ha,oatmeal.
Dennis said…
Ako naman FoodtripFriday gustong-gusto ko nung balat...lalo na yung crispy talaga....sarap nga nung sa chicken joy di ba? hehehehe....But for now tyaga na muna sa skinless chicken...hehehe
emlydgzmn said…
kuya ang sarap po nito kkluto ko lng ngyon..pra kn ring kumain ng chicken skin..super srap!!! thnks kuya magpost p kyo..keep it up!!
emlydgzmn said…
kuya super srap po nito kakaluto ko lng knina..pra kn ring kumain ng chicken skin..da best! keep it up..mgpost rin po sna kyo ng video sa youtube..

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy