PASTA with PESTO

Narito ang pangalawang dish na niluto ko nitong nakaraan naming noche buena. Pasta with Pesto.

Syempre, pwede bang mawala ang pasta dish sa ating hapag kapag noche buena? Pangkaraniwan syempre ang spaghetti na ating inihahanda. Pero naisip ko para maiba naman, itong pasta dish na ito na may pesto naman ang aking inihanda. Madali lang ito lutuin. Actually, ang luto lang na gagawin dito ay ang pagluluto ng pasta noodles at wala nang iba pa. Yun lang ang tamang pag-gawa ng pesto nakasalalay ang dish na ito. Kung baga, yung tamang timpla at lasa ng pesto sauce.


PASTA with PESTO
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Noodles
100 grams Fresh Basil leaves chopped
2 head Minced Garlic
200 grams Roasted Pili nuts
2 cups Grated Cheese
2 tsp. Ground Black Pepper
2 cups Pure Olive oil
1 cup Crispy Bacon Bits
Paraan ng pagluluto:
1. Iluto ang spaghetti pasta ayon sa tamang direksyon. I-drain at hanguin sa isang lalagyan.
2. Sa isang blender o food processor, ilagay ang olive oil, bawang, chopped basil leaves at pili nuts.
3. Paandarin ang blender hanggang sa madurog ang lahat ng sangkap. Maaring isama ang kalhati ng grated cheese sa pinaghalong mga sangkap.
4. Ihalo ang ginawang pesto sa nilutong pasta noodles.
5. Ilagay na din ang grated cheese at ground black pepper.
6. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ang lahat ng noodles ng pesto.
7. Tikman at i-adjust ang lasa.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang nilutong bacon bits.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

J said…
Happy New Year, kuya! More blessings to you and your family!

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy