PORK CURRY



Lumaki ako sa probinsya. Sa Bulacan in particular. Dito sa amin, simple lang ang buhay maging ang mga pagkain na aming kinakain. Pangkaraniwan ang mga lutong pinirito, sinigang, paksiw o kaya naman ay nilaga. Nakakakain lang kami ng mga de-rekadong ulam kung may okasyon kagaya ng binyag, kasal o kaya naman ay fiesta.

Pero nung nakapag-aral na ako at nagka-trabaho sa Manila, at komo nga malayo ang lugar namin sa aking trabaho, nag-board na lang ako at doon ako namulat sa kung ano-anong klase ng pagkain at luto sa ulam. Noon ko na-appreciate ang mga luto sa mga ibang lugar katulad ng laing, pochero, bopis, bistek, at marami pang iba na lutong carinderia.

Isa na rin dito ang mga lutong may curry powder kagaya ng chicken curry na naging paborito ko din na ulam. Nagustuhan ko ang lasa nito at yung konting anghang na kasama nito.

May entry na ako sa chicken curry na nasa archive. Nasubukan ko na din na lagyan ng curry powder ang karne ng baka. Kaya naman ito agad ang naisip ko na ilagay din sa nabili kong pork cubes nitong nakaraang araw. At ito nga ang entry ko for today. Pork curry. Ang sarap! Sauce pa lang ay ulam na. hehehe


PORK CURRY

Mga Sangkap:
1 kilo Pork cubes (Shoulder part ata ito)

1 tbsp. Curry Powder

2 cups Evaporated milk or Kakang gata

2 pcs. Potatoes quartered

1 large Carrot cut into cubes

2 pcs. Red bell pepper sliced

5 cloves minced garlic

1 large Onion sliced

1 tsp. Maggie Magic Sarap

1 tbsp. Cooking oil

1 tsp. Cornstarch

salt and pepper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang kaserola igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.

2. Ilagay ang karne ng baboy at timplahan ng asin at paminta. Lagyan din ng mga 3 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumabot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.

3. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay ang patatas, carrots, red bell pepper at curry powder. Takpan muli hanggang sa maluto ang patatas.

4. Ilagay ang evaporated milk o gata ng niyog. Ilagay na din ang maggie magic sarap.

5. Tikman at i-adjust ang lasa.

6. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy