SARCIADONG SPARE RIBS with BUTTER & CHEESE
Kapag sinabing sarciado ang una agad pumapasok sa ating isip ay yung sarciadong isda na may ginisang kamatis na may kasamang binating itlog. Marahil noong araw komo wala pa namang instant na tomato sauce ay ito ang madalas na ginagawa nilang luto sa isda man o karne. Siguro namana din natinn ang mga ganitong luto sa mga Espanyol. Yun bang mga luto na may do sa huli. Hehehehe. Kagaya ng menudo, asado, embotido, estofado, etc...
Itong recipe natin for today ay isang sarciado inspired dish din komo nga kamatis ang ginamit ko dito sa halip na tomato sauce. Para mas lalo sumarap nilagyan ko din ito ng butter, cheese at dried thyme.
SARCIADONG SPARE RIBS with BUTTER & CHEESE
Mga Sangkap:
1.5 kilo Pork Spare Ribs cut into cubes
1/2 kilo Tomatoes chopped
1 large Onion chopped
1 head Minced Garlic
1 cup Green Peas
2 large Potatoes cut into cubes
1/2 cup grated Cheese
1/2 cup Butter
1 tsp. Dried Thyme
1 tsp. Ground Pepper
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, pakuluan ang buto-buto hanggan sa lumutang ang mga namuong dugo. Hugasang muli ang buto-buto at ilagay muna sa isang lalagyan.
2. Sa isa pang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa 1/4 cup na butter.
3. Ilagay ang spare ribs at lagyan ng mga 5 tasang tubig.
4. Timplahan ng asin at paminta. Takpan at hayaang maluto hanggang sa lumambot na ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang patatas at dried tyhme.
6. Kung malapit nang lumambot ang papatas ay maari nang ilagay ang grated cheese at 1/4 cup pa ng butter.
7. Huling ilagay ang green peas. Tikman at i-adust ang lasa. Add maggie magic sarap.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments