STEAMED MILK FISH with GARLIC



One week na din na naka-calculated diet ako. Ito ang naging advised ng aking doctor ng ma-diagnozed ako na diabetic. Mahirap kasi diet talaga at sukat ang mga kinakain. Isa sa mahirap sa diet plan na ibinigay sa akin ay yung once a week lang ang pork at beef. Kaya ang ginagawa ko dalawa ang preparation mko na pagkain. Para sa aking pamilya at para sa akin. Kailangan din na hindi mamantika ang aking kakainin. So dapat kundi inihaw o nilaga, steam ang dapat sa mga ulam ko.

Kaya ganito ang luto na ginawa ko sa entry ko for today. Steamed Milk Fish with Garlic. Hindi ko akalain na masarap din pala ang ganitong luto. Kasi sa daing na bangus madalas prito lang o kaya naman inihaw lang ang madalas na luto na ginagawa natin. Try nyo naman ito para maiba. Masarap. Ayos na ayos ito sa mga diabetic at may high-blood pressure.


STEAMED MILK FISH with GARLIC
Mga Sangkap:
1 whole large Boneless Milk Fish (Bangus)
2 pcs. Calamansi (juice)
5 cloves Minced Garlic
1 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan lang ng asin, paminta, katas ng calamansi at sesame oil. Hayaan muna ng mga 15 minuto. Ilagay sa ibabaw ang minced garlic.
2. Sa isang steamer, magpakulo ng tubig.
3. Kapag kumukulo na ang tubig ilagay na sa steamer ang bangus.
4. I-steam ito ng mga 20 minuto hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

J said…
Paborito ko rin ang steamed fish kasi healthy na, masarap pa!
Vanessa said…
Ingat din po kayo na masugatan. Tatay ko diabetic din, ang tagal bago gumaling pag may sugat.
Dennis said…
@ J..... Masarap talaga ito. May nakain na din ako na ganito sa isang chinese restaurant d2 sa makati. Yummy siya....
Dennis said…
Thanks Vanessa.....eto at namamayat na ako...hehehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy