TONKATSU - Deep-Fried Pork Cutlet


Mula noong mag-food blog ako, natuto akong ma-research ng tungkol sa mga pagkain na niluluto ko at pino-post dito. Syempre bukod sa mga sangkap at pamamaraan kung papaano ito lulutuin, inaalam ko din ang background o ang pinagmulan nito.

Katulad nitong Tonkatsu na ito. Nung una ang title ko sana sa entry kong ito ay Pork Tonkatsu. Kaya lang nang mabasa ko sa wikipedia ang ibig sabihin ng tonkatsu para kakong redundant ang paglalagay ko ng word pa na pork sa title. "Ton" kasi ay pork and "katsu" naman is cutlet.

Well, ito pala ang ulam namin itong isang araw. Sinubukan ko kasing gamitin yung bagong bili kong kitchen mallet. Hehehe. Nakakatuwa naman at very useful talaga siya.


TONKATSU - Deep-fried Pork Cutlet

Mga Sangkap:
1 kilo Butterfly cut Pork or Boneless Porkchops
2 pcs. Eggs beaten
3 cups Panco Japanese breadcrumbs
1 cup All Purpose Flour
1 tbsp. Worcestershire Sauce
Juice from 1 lemon or 5 pcs. Calamansi
Salt and pepper taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1. Gamit ang kitchen mallet, pitpitin ang karne ng baboy hanggang sa numipis ito.
2. I-marinade ito sa asin, paminta, katas ng lemon at worcestershire sauce. Hayaan ng mga 15 minuto.
3. Sa isang bowl, batihin at itlog at isama ang harina hanggang sa makagawa ng batter. Timplahan din ng kaunting asin at paminta.
4. Ilubog sa batter ang karne ng baboy at saka igulong sa breadcrumbs.
5. Ilagay muna sa freezer ng mga 15 minuto bago i-prito.
6. Sa isang kawali, magpakulo ng mantika na mga 1 inch ang lalim mula sa bottom ng kawali.
7. I-prito ang pork cutlet hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
8. Hanguin sa isang lalagyang may paper towel para maalis ang extra na mantika.

Ihain kasama ang paborito ninyong sawsawan.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy