BEEF STEW in SPICY PEANUT SAUCE


Sa lahat ng karne na pwedeng lutuin, dito sa karne ng baka medyo hirap akong mag-isip ng luto na gagawin. Medyo limited kasi ang alam ko dito at hindi naman kami madalas mag-ulam nito koo nga may kamahalan.

Dapat sana caldereta ang gagawin kong luto dito pero nauwi sa ganitong luto habang nag-po-progress ang ang ginagawa. Hehehe. As in nasa kawali na siya ay hindi ko pa rin ma-decide kung anong luto talaga ang gagawin ko.

Pero eto nga, nauwi sa isang bagong dish na hindi naman ang nagsisisi dahil kakaiba ang lasa at masarap. Ayos na ayos din yung kaunting anghang ng cayene powder na inilagay ko. Basta ang masasabi ko lang, isa na naman itong masarap na beef dish.


BEEF STEW in SPICY PEANUT SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
2 pcs. large Potatoes cut into cubes
2 pcs. Red Bell pepper cut into cubes
2 tbsp. Pickle relish
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup Butter
1/2 cup Peanut Butter
1/2 cup Soy Sauce
1 cup Roasted peanuts
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
1 tsp. Cayene Powder
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baka ng asin at paminta.
2. Sa isang non-stick na kawali i-prito ang baka sa butter hanggang sa pumula ang mga side nito. Hanguin muna sa isang lalagyan.
3. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa natitirang butter.
4. Ibalik ang piniritong karne g baka sa kawali at timplahan ng toyo at worcestershire sauce.
5. Isalin sa isang kaserolang may takip at lagyan ng tubig. Pakuluan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas, red bell pepper at sweet pickle relish. Hayaan hanggang sa maluto ang patatas.
7. Huling ilagay ang cayene powder, peanut butter at roasted peanut.
8. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy