BRAISED THEN ROASTED CHICKEN in PINEAPPLE JUICE
Basta chicken ang ulam sa bahay, siguradong hit ito lalo na a tatlo kong anak. Lalo na pag prito o kaya naman ay ni-roast. Sabagay, sino ba namang bata ang hindi ito paborito. Kaya naman sa bahay madalas din kaming naguulam ng manok na kung ano-anong luto.
This time, sinumbukan ko naman ang dalawang klaseng luto sa manok. Ito nga ang braise and roast chicken. Medyo mabusisi pero madali lang itong lutuin. Kahit dalawang luto ito, sigurado din naman na sulit ito pag inyong natikman.
BRAISED then ROASTED CHICKEN in PINEAPPLE JUICE
Mga Sangkap:
1 kilo or 10 pcs. Chicken Thigh240ml. can Del Monte Unsweetened Pineapple Juice
2 large Onion chopped
1 head Minced Garlic
1/2 cup Butter
2 cups Brown Sugar
Salt and pepper to taste
Paraan ng Pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang mga piraso ng manok. Hayaan muna ng mga 30 minuto.2. Sa isang non-stick na kawali, isalansan ang manok ng isang layer. No need to put oil kasi kusa nang kakatas ang balat ng manok.
3. Lutuin ito hanggang sa pumula lang ng bahagya ang balat ng manok.
4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
5. Ilagay ang piniritong manok at ilagay na din ang pineapple juice.
6. Takpan at hayaang kumulo ng mga 15 minuto.
7. Ilagay na ang brown sugar at timplahan pa ng asin at paminta. Hayaan pa ng mga 15 minuto.
8. Hanguin at isalang naman sa oven o sa turbo broiler. Lutuin ito sa init na 300 degrees hanggang sa pumula lang ang balat ng manok.
9. Pahiran ng pinaglagaan ang mga manok from time to time hanggang sa maluto at pumula ang balat. Hanguin sa isang lalagyan.
10. Muling isalang sa kalan ang pinaglutuin ng manok at lagyan ng tinunaw na cornstarch.Ihain ang nilutong manok at lagyan ng sauce sa ibabaw.
Enjoy!!!
Comments
hmmmm...yummy...