CHICKEN EMBOTIDO - Version 2


This is already my second version ng Chicken Embotido. Actually, chicken burger sana ang gagawin ko sa 1/2 kilo na ground chicken an nabili ko, kaso parang sumagi sa isip ko itong chicken embotido nga na nagawa ko na more than a year ago.

Pareho lang naman ang sangkap na ginagamit sa pork embotido at sa chicken. Ofcourse yung karne lang ang pinagkaiba. Ang problem lang sa chicken masyado itong matubig at kailangan mo talaga na dagsagan ang binder na gagamitin.

Masarap ang chicken embotido lalo na kung kumpleto talaga ang sangkap an gagamitin mo dito. Dun sa una kong version, hindi ko ata nalagyan ng sweet pickel relish. This time komo may natira pa ako dun sa ginamit ko sa caldereta eto ang inilagay ko nga. Also, nilagyan ko ito ng chicken hotdog sa gitna para maganda siyang tingnan kapag hiniwa na.

Mas gusto ko itong version 2. Ang sarap kasi yung lasa na naghahalo yung tamis at asim ng pickel relish at yung medyo may anghang ng konti because of cayene powder.

Try nyo ito. Pwedeng pang-ulam at pwede ding palaman sa tinapay.


CHICKEN EMBOTIDO - Version 2

Mga Sangkap:

500 grams Ground Chicken

1 cup Raisins

1 large White Onion finely chopped

1 large Carrot cut into small pieces

1 cup Sweet pickle relish

1 tsp. Cayene Powder

1/2 cup Tomato Catsup

2 pack Skyflakes (durugin)

4 Eggs beaten

1 tsp. Ground Black pepper

1 tsp. Brown Sugar

Salt to taste

6 pcs. Chicken Hotdogs

1 tsp. Garlic Powder

3 tbsp. sesame oil

Aluminum foil


Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang bowl, paghaluin lang ang lahat na mga sangkap maliban sa chicken hotdog, sesame oil at aluminum foil.

2. I-brush ng sesame oil ang aluminum foil bago ilagay ang pinaghalong sangkap.

3. Balutin ang pinaghalong sangkap at ilagay sa gitna ang 1 piraso ng chicken hotdog. Balutin ito ng pahaba na at isarado ang magkabilang dulo. Parang lang nagbalot ng candy.

4. I-steam ito sa loob ng 1 oras.

Palamigin muna bago i-slice at ihain. Maaari ding i-prito muna hanggang sa pumula lang ng konti ang side nito at sa i-slice.

Ihain kasama ang inyong paboritong tomato o banana catsup.

Enjoy!!!!

Comments

Vanessa said…
wow mukhang ayos to. healthier pa kesa pork.
Dennis said…
@ Vanessa.... Try this...yummy talaga. :)

@ AC...thanks for visiting.


Dennis
lea said…
HI Dennis! I've tried it so many times, and my family so liked it...di sya nakakasawa!!! :-)
Dennis said…
Thanks Lea. Please share it also with your friends and relatives. God Bless you

Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy