DORY with CREAMY BUTTER and VEGETABLES SAUCE
Masarap naman talaga. Kahit nga yung sauce lang ay solve na solve ka na. Pwede mo din nga itong ihalo sa lutong pasta. Ang gawin mo lang, ihalo mo sa pasta ang white sauce at ipatong mo naman sa ibabaw ang piniritong fish fillet. O di ba? dalawang dish na agad ang nagawa mo sa entry kong ito. hehehehe
Try nyo ito. Pwedeng-pwede as ulam o kaya naman ay panghalo sa pasta.
DORY with CREAMY BUTTER and VEGETABLE SAUCE
Mga Sangkap:
1 Kilo Cream of Dory fillet or any white meat fish
2 cups Alaska Evap (yung red label)
2 cups Mix Vegetables (carrots, green peas, corn)
5 cloves Minced Garlic
1/2 cup Butter
1 pc. Lemon or 8 pcs. Calamansi
2 cups All purpose flour
1 tbsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
salt and pepper
Cooking oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang fish fillet sa nais na laki.
2. Timplahan ito ng asin, paminta, katas ng lemon at maggie magic sarap. Hayaan ng mga 30 minuto.
3. Ilagay ang tinimplahang fish fillet sa isang plastic bag at ilagay ang harina. Alug-alugin para ma-coat ng harina ang mga isda.
4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay.
5. Sa isang sauce pan, igisa ang bawang sa butter.
6. Ilagay ang mix vegetables at halu-haluin.
7. Ilagay na ang alaska evap at timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
8. Ilagay na din ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce. Maaring lagyna pa ng tubig kung kinakailangan pa at kung tama na ang lapot ng sauce.
9. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Kung ihahain na, lagyan ng sauce ang ibabaw ng piniritong fish fillet.
Enjoy!!!!
Comments
Need to practice cooking your dishes in preparation of my husband's next visit, hopefully next year! hehe!
===karen mae gutierrez-de juan===
Thanks Ms. karen.....akala ko kung sino ang nag-comment....hehehehe
Share mo din ito sa mga friends ang relatives mo ha.
Regards