JUICY FRIED CHICKEN FILLET



Na-try nyo na ba yung Crispy Fry Breading Mix ng Ajinomoto? I suggest na i-try nyo. Masarap kasi ito at may kasama pa na gravy mix. Para ka na ring kumain sa isang sikat na fastfood restaurant.

Ito ang ginamit ko sa fried chicken fillet na ito na entry natin for today. Ang bago dito ibinabad ko muna ang manok sa gatas at dried rosemary ng overnight at saka ko pinirito using this breading mix nga. Dahil sa pagbabad sa gatas ng manok, nagiging mas juicy ang manok. Lalo na kasi kung breast fillet ang iluluto, wala kasi itong taba bukod sa kung isasama mo ang balat. Ang resulta? Isang masarap na fried chicken fillet.

JUICY FRIED CHICKEN FILLET

Mga Sangkap:

8 pcs. Whole Chicken Breast Fillet cut into half

1 pack Crispy Fry Breading Mix

2 cups Evaporated Milk

1 tsp. Dried Rosemary

1/2 tsp. Ground Black pepper

Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:

1. Ibabad ng overight ang chicken fillet sa evaporated milk, dried rosemary at pamintang durog.

2. Bago i-prito alisin ito sa gatas na pinagbabaran at ilipat sa isang plastic bag.

3. Ilagay ang breading mix at laug-alugin hanggang sa ma-coat ng breading ang lahat ng manok.

4. I-prito ito sa kumukulong mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

5. Samantala sa isang sauce pan, lutuin ang gravy mix powder sa isang tasang tubig. Isama din dito ang gatas na pinagbabaran ng manok. Haluing mabuti hanggang sa maluto. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan hanggang makuha ang tamang lapot ng gravy.

Ihain ang fried chicken fillet kasama ang gravy na niluto.

Enjoy!!!!

Comments

Sunshinelene said…
hmmm ma try ko nga ito! looks like easy to prepare and am sure my daughter will enjoy this.

Dropping from Food Trip and I followed you, too!

Arlene

http://arlenecollado.com/2011/01/22/best-when-crispy-hot/

–Arlene
Joys in Life
All About Her
My Fashion Sense
Healthy Lifestyle
Dennis said…
Thanks Arlene...Sana bumisita kaulit sa blog ko...

Dennis
J said…
Kuya pag-uwi ko sa Pinas, bibili ako niyang breading mix na yan. Saka Maggi Magic Sarap! Hehehe.
Marana said…
mukhang masarap, mgugustuhan ng mga kids ko ito. will try to cook this recipe soon :P Noobfoodie
Jenn Valmonte said…
First time I used this, it was salty. I guess they already made some modifications.

my Food Friday post
Dennis said…
Jenn..Baka nilagyan mo pa ng asin yung chicken. Yung breading mix ay timplado na for a certain amount og chicken. Kaya nga yung sa recipe ko walang ng asin.
Dennis said…
@ DadEngrMomy Les.....Magugustuhan nila ito. Parang fried chicken din sa sikat na fastfood. No need to add salt sa chicken...kagaya nung sinabi ni Ms Jen...aalat masyado.

Thanks
Dennis said…
@ J.....Baka naman pakyawin mo ha....in moderation pa rin ha..baka magkasakit ka naman sa bato niyan....hehehehe



Dennis
skeezzix said…
kuya dennis, though ngayon palang ako nag iwan ng comment sayo pero talagang regular ako na pumupunta sa blog mo para makakuha ng idea sa kung ano ang lulutuin ko rin dito samin sa bahay. idol ko kayo pagdating sa pag gawa ng simpleng lutong bahay na pang araw araw. nahihirapan din ako kasi nga di naman lahat ng miembro ng pamilya pare pareho ng gusto o ng panlasa. tulad sa pamilya namin. yung isang pamangkin ko may allergy sa hipon, alimasag at pusit pero yung nanay niya yun ang gustong gusto. ang ate ko at asawa niya di sila kumakain ng manok, natatabangan sila basta manok. yung nanay ng pamangkin ko na may allergy, though mahilig sa hipon, di naman kumakain ng isda. tapos ngayon nalaman ko na yung kasambahay pala namin di kumakain ng lutong may baka (beef). kaya nagpapasalamat ako sa mga recipes mo kuya dennis. at least nagkakaron ako ng mga ideas.
Unknown said…
Kuya Dennis, ask ko lang po kung ano po ang ingredients sa paggawa ng breading para sa manok,,, yung mga nilalagay po na sangkap sa harina??
bka po pwede nyo po details..

thank you very much...

Mr. Allan BaƱares
or you can email me the recipe kuya dennis....
Dennis said…
Allan...email me at denniscglorioso@yahoo.com
Anonymous said…
Thanks po sa blog nato, nagutom po tuloy ako:-). naalala ko na gusto ko mag negosyo ng fried chicken , yung parang binebenta lang sa kanto kaso di ko alam kung paano ang timpla nila. kasi baka pag ginawa kong espesyal ang mga sangkap wala na pong bumili sa akin sa mahal.alam nyo po ba kung paano magluto ng fried chicken na mura lang ang mga engredients? thanks po :-)
Dennis said…
Check mo sa archive under label CHICKEN. Maraming recipe ng fried chicken dito.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy