LECHON MACAU

Mula nung makabili kami ng bagong naming turbo broiler, naging exited ulit ako na magluto ng mga dish na luto dito. Isa na syempre ang roasted pork belly o mas kilala na lechon kawali. Ofcourse wala ang hazzle na tilamsik ng kumukulong mantika. hehehe

For a change naman, ang niluto ko ay itong isa pang version ng lechon kawali. Ito ang Lechon Macau. Nabasa ko ito sa isa sa mga paborito kong food blog ang http://www.overseaspinoycooking.net ng kaibigan kong si Ut-Man. Bukod sa madali lang itong lutuin ay talaga namang kakaiba at masarap dish na ito. With enseladang pipino on the side? Wow panalo na naman ang kain ninyo.


LECHON MACAU

Mga Sangkap:

1.5 kilos Pork Belly (yung hindi masyadong makapal ang taba)

2 pcs. Dried Laure leaves

3 pcs. Star Anise

1 head Garlic

1 tsp. Whole pepper corn

1 tsp. Ground Black pepper

1 tbsp. 5 Spice powder

Salt to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Hiwain ang pork belly ng mga 1 inch ang kapal.

2. Pakuluan ito sa isang kaserola kasama ang bawang, dried laurel, star anise, pepper corn at asin hanggang sa lumambot. Dapat lubog ang karne sa tubig.

3. Hanguin at palamigin sandali ang nilagang karne.

4. Tusuk-tusukin ng tinidor ang balat at paligid ng karne.

5. Kiskisan ang karne ng pinaghalong 5 spice powder, asin at durog na paminta.

6. Lutuin muli ang karen sa turbo broiler o sa oven sa init na 200 degrees hanggang sa pumula at lumutong ang balat sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras.

Ihain kasama ang paborito ninyong sawsawan o side dish. For me, enseladang pipino ang the best. :)

Enjoy!!!

Comments

J said…
Parang oven-roasted lechon din pala, kuya!
Dennis said…
Yes J....pero ito ay may flavorful. Malasa kung baga....;)
Dennis said…
Yes J....pero ito ay may flavorful. Malasa kung baga....;)
Dennis said…
Yes J....pero ito ay may flavorful. Malasa kung baga....;)
UT-Man said…
Thanks for the mention Dennis, medyo late ang comment kong ito,medyo bisi lang sa work.
Dennis said…
Salamat din my friend (ut-man).... Ang dami ko ding natutunan sa food blog mo. More power to you...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy