PAKSIW na PATA in LECHON SAUCE version 2
One of my favorite ko ang paksiw na pata. Lalo na yung malambot na malambot ang pagkaluto nito. Yung halos humiwalay na sa buto ang laman. Yummy talaga. At talaga namang mapaparami ang kanin mo kapag ito ang ulam. "Dennis ang diet..sige ka tataas na naman ang blood sugar mo.." Hehehehe.....
Pangalawa na ito sa version ko ng paksiw na pata na may lechon sauce. Ang pagkakaiba lang ng version na ito ay yung paraan ko ng pagluluto. Oo. Niluto ko muna sandali sa turbo broiler ang karne at saka ko pinalambot sa kaserola. Sa pamamagitan nito, hindi na maglulutangan ang mga namuong dugo sa buto na inaalis pa natin kung nagpapakulo. Ofcourse, panalo pa rin ang sarap at lasa ng paksiw na ito.
PAKSIW na PATA in LECHON SAUCE version 2
Mga Sangkap:
1.5 kilo Pata ng Baboy sliced
1 bottle Mang Tomas Sarsa ng Lechon
2 cups Sugar Cane Vinegar
1 head Minced Garlic
2 large Onion chopped
2 cups Brown Sugar
1 tsp. Ground Black Pepper
Salt to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang hiniwang pata ng baboy. Hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Lutuin muna ito sa turbo broiler sa init na 250 degrees sa loob ng mga 30 minuto.
3. Isalin ang mga karne sa isang kaserola at ilagay ang bawang, sibuyas, suka, brown sugar, asin at paminta. Lagyan din ng tubig at isalang sa apoy. Pakuluan ito hanggang sa malapit ng lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay na ang sarsa ng lechon. Patuloy na pakuluan.
5. Tikman at i-adjust ang lasa. Maaring lagyan pa ng asin, paminta at brown sugar. Kung gusto ninyo ng medyo maanghang ang sauce, maaring lagyan ng siling pang-sigang.
Ihain habang mainit pa. Pero the best ang paksiw na ito kung kinabukasan pa ito kakainin.
Enjoy!!!!
Comments