PANCIT MIKI
Mahilig ako sa noodles. Mapa pasta man, rice noodles o egg noodles, gustong-gusto ko ito. Lalo na kung maraming sahog na gulay at laman panalong-panalo ito sa akin. Gusto ko din yung medyo may sauce o may sabaw ng konti. Kahit sa mga pasta dishes gusto ko yung saucy talaga.
Ganun ang ginawa ko dito sa pancit miki na iniluto ko kanina para almusal namin. Magulay, malaman at masabaw ang pancit miki ko na ito. Sabi nga ng kapatid nga asawa ko na bisita namin this morning, masarap daw at sino daw ang may birthday? Hehehehe. Pinagbalot ko pa siya para madala sa kanyang anak na kanyang dadalawin.
PANCIT MIKI
Mga Sangkap:
500 grams Miki Noodles (Egg noodles)
300 grams Pork cut nto strips
3 cups Pork broth or 1 pc. Knorr Pork cubes
100 grams Chicharo
100 grams Baguio Beans
1/2cup Chopped Kinchay
1 small Carrot julien
5 cloves minced garlic
1 medium size Onion Sliced
1 cup Oyster Sauce
1 tsp. Sugar
1 tsp. cornstarch
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisaang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Sunod na ilagay ang karne ng baboy. Stir fry at timplahan ng asin at paminta.
3. Ilagay ang sabaw ng baboy. Takpan at hayaang lumambot ang karne ng baboy. Maaring lagyan pa ng sabaw o tuig kunbg kinakailangan.
4. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang baguio beans at carrots. Hayaang maluto.
5. Kung malapit ng maluto ang baguio beans, ilagay na ang miki, chicharo at oysters sauce. Ilagay na din ang asukal.
6. Haluin hanggang maghalo=halo na angh miki, karne, gulay at sauce.
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang chopped kinchay.
Hanguin agad para hindi ma-overcooked ang miki at mga gulay.
Ihain na may kasamang toyo at calamansi.
Enjoy!!!!

Comments
Dennis