PORK MORCONITO


Ang Morcon ang isa sa mga pagkain o ulam na namana natin sa mga kastila. Karneng baka ang laman na ginagamit dito. Nakikita natin ito sa mga espesyal na handaan katulad ng fiesta o kasalan sa mga probinsya katulad ng Bulacan at Pampanga.

Masarap talaga ang espesyal na ulam na ito. Yun lang medyo matrabaho itong lutuin.

Ang lutong ito ang ginawa kong luto sa 1 kilong pork butterfly na nabili nitong iang araw. Ang pork butterfly ay yung parte ng karne ng baboy na parang porkchops pero walang buto at hiniwa sa gitna na parang pakpak ng paru-paro.

Paraming pwdeng ipalaman sa morcon. Nasa sa inyo na yun kung ano ang gusto ninyo. Basta ang pinaka tip lang dun ay yung malalasang palaman ang inyong gamitin katulad ng chorizo, keso o kaya naman ay red bell pepper.

Sa version kong ito, yung available lang sa fridge ang ginamit ko. Basil leaves, chicken hotdog, keso at iba pa.

Try nyo ito. Tiyak konbg magugustuhan din ng inyong pamilya.



PORK MORCONITO

Mga Sangkap:
1 kilo or 7 pcs. Pork Butterfly
1 cup Fresh Basil Leaves
Cheese cut into sticks
RedBell Pepper cut into strips
Carrots cut into sticks
4 pcs. Chicken hotdog or chorizo cut into half
Juice from 1/2 Lemon
2 cups Sweet Style Tomato Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Soy Sauce
salt and pepper
3 cloves Minced Garlic
1 large Onion chopped
Pantali

Paraan ng Pagluluto:
1. I-marinade ang pork butterfly sa asin, paminta, toyo at katas ng lemon. Hayaan ng mga 1 oras. Overnight mas mainam.
2. Ipalaman sa pork butterfly ang chicken hotdog, cheese, carrots, red bell pepper, at basil leaves.
3. I-roll ito at talian para hindi bumuka.
4. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
5. Ihilera ang mga ginawang morconito.
6. Ilagay ang tomato sauce, brown sugar at ang mga natirang pang palaman. lagyan din ng mga 1 tasang tubig. Takpan at hayaang maluto ang karne. Maaring lagyan ng tubig kung kinakailangan.
7. Hayaang maluto hangang sa kumonte na lang ang sauce.
8. Hanguin at palamigin sandali at saka i-slice.
9. Ilagay sa isang lalagyan at lagyan ng sauce sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Madali lang ba gawin kuya? Parang gusto ko subukan...
Dennis said…
madali lang...balot-balot lang....
aicenelav said…
sobrang enjoy ako sa paggawa nito.tnx po for the recipe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy