PORK STRIPS & SQUID in COCO-CURRY SAUCE

Hindi ko alam kung may ganito talaga dish o original recipe ko ito. Basta lang kasi gumana ang imahinasyon ko at lumabas na lang ang ganitong idea sa dish. Actually, para din siyang chicken curry dish na na-post ko na sa blog kong ito. Yun lang, pork at squid rings ang ginamit ko dito.

Dapat sana crispy calamares ang gagawin ko sa 1/2 kilo sa frozen squid rings na ito na nabili the last time na nag-grocery kami. Pero komo nga medyo matrabaho ang ganung luto last minute ay naisip ko na bakit hindi ko lagyan ng curry powder at coconut milk. Pero nung na defrost ko na yung squid laking pagtataka ko kasi kumonte ang tingin ko sa squid rings. Sa loob-loob ko baka hindi ito magkasya sa amin na kakain. Doon ko naisip na may natira pa pala akong boiled pork strips sa freezer. Remember yung pancit miki na niluto ko nung Sunday? At nabuo nga ang napaka-sarap na dish na ito na handog ko sa inyong lahat.

Try it! Asian na asian ang dating ng dish na ito. It's rich. Sauce pa lang ay ulam na. Tamang-tama lang yung anghang at malinamnam talaga ang sauce.


PORK STRIPS & SQUID in COCO-CURRY SAUCE

Mga Sangkap:
500 grams Squid Rings
300 grams Pre-boiled Pork strips
2 medium size Potatoes cut into cubes
1 large Carrot cut into cubes
1 large Red Bell pepper cut also into cubes
5 pcs. Siling pang-sigang
1/2 cup Chopped Kinchay
1 tbsp. Curry Powder
2 cups Coconut milk
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Maggie Magic Sarap
4 cloves Minced Garlic
1 large Onion chopped
1 thumb size Ginger sliced
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay ang nalaga nang pork strips at lagyan ng kaunting tubig. Hayaang kumulo.
3. Ilagay na ang patatas, carrots, siling pabg-sigang at red bell pepper. Hayaan kumulo hanggang sa maluto ang patatas. Maaring lagyan ng tubog kung kinakailangan.
4. Ilagay na ang squid rings at ang gata ng niyog.
5. Timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.
6. Ilagay na din ang 1/2 ng chopped kinchay at tinunaw na cornstarch sa tubig.
7. Tikman ang i-adjust ang lasa.

Hanguin sa isang lalagyan at ilagaya sa ibabaw ang natira pang chopped kinchay.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy