ROASTED BABY BACK RIBS in PINEAPPLE JUICE and HOISIN SAUCE
Paborito sa bahay ang roasted baby back ribs. Pansin nyo nung pasko at bagong taon may handa kaming ganito? In different flavors ha. hehehehe.
Ang masarap kasi sa dish na ito, yun nga, pwede kang mag-experiment ng mga flavor. Pwede kang gumamit ng kung ano-anong spices at seasonings para mapasarap pa lalo ang ribs.
Sa lahat ng mga version ko, itong entry nating ito for today ang the best. Tamang-tama kasi yung lasa at yung lambot ng karne. Sarap to the bones kung baga. Siguro na-tyempuhan ko lang yung tamang karne na ginamit ko at yung tamang tagal ng pagpapalambot. Ang verdict ng mga anak ko? Ayun humihirit pa na magluto daw ako ulit nito. Hehehehe
ROASTED BABY BACK RIBS in PINEAPPLE JUICE and HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
1.5 kilo Baby back ribs
3 cups Unsweetened Pineaple juice
1 head Minced Garlic
1 tsp. Ground Black pepper
2 cups BrownSugar
1 tbsp. Salt
1 cup Soy sauce
For the Glaze Sauce:
2 tbsp. Hoisin Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang bawang, pineapple juice, asin, paminta at brown sugar. Ilagay na din ang baby back ribs at lagyan ng tubig. Dapat halos lubog ang karne. Pakuluuan ito hanggang sa lumambot ang karne. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
2. Paghaluin ang sauce na ipapahid sa ribs.
3. Lutuin muli ang baby back ribs sa turbo broiler o sa oven sa init na 250 degrees hanggang sa pumula ang balat nito.
4. Pahiran ng glaze sauce ang paligid ng karne from time to time.
Maaring ibuhos o ipahid pa ang natitirang sauce sa karne bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments