ROASTED CHICKEN with GARLIC & LEMON
Napansin nyo ba na medyo may katagalan na nahindi ako nagpo-post ng mga roasted o broiled na ulam? Nasira kasi yung ini-ingat-ingatan kong turbo broiler. Naman, regalo pa yun nung kami ay ikinasal ng aking asawa. Marami-raming dish na din ang niluto nun at marami na rin ang nasarapan. Pero yun nga bigla na lang siyang nasira sa di ko alam na kadahilanan.
Almost the same ang recipe ng Antons Chicken at ng entry kong ito for today. Yun lang, lemon ang ginamit ko dito at wala akong tanglad na ginamit. Pero ang resulta ay ia pa ring masarap na roasted chicken. Masarap, malinamnam at pasok talaga sa laman ang lasa ng lemon at garlic.
Mga Sangkap:
1.5 kilo Whole Chicken
1 pc. large Lemon
1 head Minced Garlic
1 tsp. Ground Black Pepper
2 tbsp. Rock Salt
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Maggie magic Sarap o 1 tbsp. Liquid Seasoning
2 tbsp. Salted Butter
Paraan ng Pagluluto:
1. Paghaluin ang asin at paminta at saka ikiskis sa katawan ng buong manok.
2. Sa isang malaking bowl, paghaluin ang katas ng lemon, bawang, maggie magic sarap o liquid seasoning, toyo at salted butter. Haluin mabuti.
3. Ilibog sa marinade mix ang manok at medyo imasahe sa katawan nito ang marinade mix. Lagyan din ng marinade mix ang loob na parte ng manok.
4. Isalin ang manok at marinade mix sa isang plastic bag at ikot-ikotin. Hayaan ng mga 1 oras bago i-roast. Overnight mas mainam.
5. Lutuin ito sa oven o turbo broiler na may init na 200 degrees sa loob ng 45 minuto hanggang 1 oras o hanggang sa maluto ang manok.
6. Pahiran ng marinade mix ang katawan ng manok from time to time.
Enjoy!!!!
Comments
It's a big No na masyadong mainit ang oven mo o turbo broiler....baka masunog ang balat tapos hilaw ang loob. 200 degrees is okay.
Para mapa-pula mo naman ang balat. I-brush mo lang palagi ng marinade mix o kaya naman ay butter.
Thanks momdance89...share mo din ito sa mga friends mo.
:)
Dennis