SARCIADONG GIGI - Tira lang

Una, pasensya na sa picture at nagloloko na talaga ang digicam na ginagamit ko. Palagay ko ay kailangan na talagang palitan. Ang tanong lang ay kung saan ako kukuha ng pambili. Hehehehe.
Ito pala ang ulam na ibinaon ko for my lunch today. Actually, tira lang yung pritong gigi na ginamit ko dito at ginawa ko na lang sarciado para naman hindi boring ang hamak na gigi. Kung baga ni-recycle ko yung prito para makagawa ng isa pang bagong dish. Sayang naman kasi kung matataposn lang di ba? Sa mahal ng mga bilihin ngayon, ang masiraan ng pagkain o magtapon ng pagkain is a NO NO.
SARCIADONG GIGI
Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Galungong (fried)
4 pcs. Tomatoes sliced
1 small Onion Sliced
4 cloves minced garlic
2 tbsp. cooking oil
1 pc. Egg beaten
salt and pepper to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Lagyan ng tubig at hayaang maluto hanggang sa madurong ang kamatis at sibuyas.
3. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap
4. Ilagay ang binating itlog at haluin.
5. Kung durong na ang kamatis, ilagay na ang pritong gigi.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy