YAKINIKU BEEF with CAULIFLOWER in OYSTER SAUCE

Na-try nyo na ba yung Yakiniku Beef sa frozen section ng SM supermarket? Ilang beses ko na din itong na-try na iluto sa bahay. Ito yung sliced beef na parang bacon ang itsura. Masarap ito na i-grill tapos may special sauce na sawsawan. Hindi ko pa yun na-try pero yung may oyster sauce ay ilang beses ko na din nagawa.

This time nilagyan ko naman ng steamed cauliflower at konting chopped parsley. Winner ang lasa nito. Para din yung Beef broccoli na top post ko of all time. Try nyo ito masarap at madali lang lutuin.


YAKINIKU BEEF with CAULIFLOWER in OYSTER SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Yakiniku Beef or Thinly sliced Beef
1/2 cup Oyster Sauce
300 grams Cauliflower
2 tbsp. Chopped Parsley
1 thumb size Ginger sliced
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion sliced
2 tbsp. Cooking oil
3 tbsp. Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
Salt and Pepper to taste
1 tsp. Cornstarch

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang non-stick pan, i-prito ang beef sa kaunting mantika. Timplahan na din ng kaunting asin at paminta.
2. Kapag nawala na ang pagka-pink ng karne, igisa ang luya, bawang at sibuyas.
3. Ilagay na ang toyo, brown sugar at oyster sauce. Lagyan din ng mg 1 tasang tubig. Maaaring takpan hanggang sa lumabot at maluto ang karne.
4. Samantala, himayin sa nais na laki ang cauliflower, budburan ng kaunting asin at i-steam. Huwag i-overcooked.
5. Hanguin ang ini-steamed na cauliflower sa serving plate. Ilagay ito sa mga gilid.
6. Tikman ang nilulutong beef at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang tamis at alat ng sauce.
7. Ilagay ang tinunaw na constarch para lumapot ang sauce.
8. Hanguin sa lalagyang may steamed cauliflower. Ilagay ito sa gitna.
9. Ilagay sa ibabay ang hiniwang parsley.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy