CHICKEN LOLLIPOP with HOISIN-SESAME GLAZE
Narito na naman ang isang chicken dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak especially the kids. Madali lang lutuin, masarap at kakaiba.
This time ang ordinaryong pritong manok ay mas naging espesyal ng i-coat ko ito ng hoisin sauce at binudbudan ko ng tosted sesame seeds. Yummy talaga. Malalaman ko ang masasabi ng mga anak ko mamaya pag-uwi nila galig ng school. Hehehehe.
CHICKEN LOLLIPOP with HOISIN-SESAME GLAZE
10 pcs. Chicken lollipop o drumstick
1 Egg beaten
2 cups Flour or Cornstarch
3 pcs. Calamansi
2 tbsp. Hoisin sauce
2 tbsp. Soy Sauce
1 tbsp. Brown Sugar
1 tbs. Toasted Sesame seeds
Salt and peper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng calamansi ng mga 1 oras.
2. Ilubog sa binating itlog at igulong naman sa harina o cornstarch.
3. I-prito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4. Alisin ang mantika sa pinag-prituhan.
5. Ilagay ang Toyo, hoisin sauce at brown sugar. Haluing mabuti.
6. Ibalik sa kawali ang piniritong manok at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.
7. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng toasted sesame seeds sa ibabaw.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks J...