CHICKEN LOLLIPOP with HOISIN-SESAME GLAZE


Narito na naman ang isang chicken dish na tiyak kong magugustuhan ng inyong mga anak especially the kids. Madali lang lutuin, masarap at kakaiba.

May nabili akong 1 pack na chicken lollipop nitong huling groceries ko. Ang nasa isip ko nun ay ipampapabaon ko ito sa 3 kong anak na nag-aaral. Pero that time hindi ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Ipi-prito? Parang boring na. Although okay pa rin nama ito sa kanila.

This time ang ordinaryong pritong manok ay mas naging espesyal ng i-coat ko ito ng hoisin sauce at binudbudan ko ng tosted sesame seeds. Yummy talaga. Malalaman ko ang masasabi ng mga anak ko mamaya pag-uwi nila galig ng school. Hehehehe.



CHICKEN LOLLIPOP with HOISIN-SESAME GLAZE

Mga Sangkap:

10 pcs. Chicken lollipop o drumstick

1 Egg beaten

2 cups Flour or Cornstarch

3 pcs. Calamansi

2 tbsp. Hoisin sauce

2 tbsp. Soy Sauce

1 tbsp. Brown Sugar

1 tbs. Toasted Sesame seeds

Salt and peper to taste


Paraan ng pagluluto:

1. I-marinade ang manok sa asin, paminta at katas ng calamansi ng mga 1 oras.

2. Ilubog sa binating itlog at igulong naman sa harina o cornstarch.

3. I-prito sa kumukulong mantika hanggang sa maluto at mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.

4. Alisin ang mantika sa pinag-prituhan.

5. Ilagay ang Toyo, hoisin sauce at brown sugar. Haluing mabuti.

6. Ibalik sa kawali ang piniritong manok at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng manok.

7. Hanguin sa isang lalagyan at budburan ng toasted sesame seeds sa ibabaw.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Suwerte naman ng mga anak mo, kuya. Ako, ang lagi kong baon noon ay itlog, hotdog or tosino lang kasi yun ang mabilis i-prepare sa umaga hehehe.
Dennis said…
hehehe....Ako walang baon noong araw.....hehehe.

Thanks J...

Popular posts from this blog

Sinigang na Baboy

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

Tinolang Manok