MINCED PORK in LETTUCE and HOISIN SAUCE
May natira pa akong giniling na baboy sa aking freezer at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dito. Actually maraming pwedeng pag-gamitan. Pwedeng isahog sa gulay o kaya naman ay sa pasta.
Naalala kong bigla ang isang posting ni Ms. Caren ng The Eating Room (http://theeatingroom.wordpress.com/) na may title Minced Pork in Lettuce Wrap. At ito nga ang ginawa kong luto sa hamak na pork giniling na ito.
May natikman na din akong ganito sa isang chinese restaurant sa Binondo pero hindi giniling ang laman kundi kalapati. Pero ganito din ito kung paano kainin. Sa isang lettuce leaves, papahiran mo ng hoisin sauce at saka mo lalagyan ng giniling na karne na ito. Ibabalot mo na parang lumpia at saka mo kakainin.
Masarap ito as a starter sa isang espesyal na kainan.
MINCED PORK in LETTUCE ana HOISIN SAUCE
Mga Sangkap:
250 grams Ground Pork
1 cup Mixed Vegetables (carrots, corn green peas)
2 tbsp. Oyster Sauce
1 tbsp. Soy Sauce
1 tsp. Sesame oil
3 cloves Minced Garlic
1 medium size Onion chopped
salt and peper to taste
1 cup Hoisin Sauce
1 head Iceberg Lettuce
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang giniling na baboy at mixed vegetables. Halu-haluin hanggang sa mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Timplahan ng asin, paminta, oyster sauce at toyo.
4. Tikman at i-adjust ang lasa.
5. Ilagay ang sesame oil at saka hanguin sa isang lalagyan.
6. To prepare, kumuha ng isang dahon ng iceberg lettuce at pahiran ng kaunting hoisin sauce.
7. Lagyan ng tamang dami ng nilutong giniling at balutin a parang lumpia.
Ihain habang malutong pa ang lettuce.
Enjoy!!!!
Comments