SPICY BEEF STEW

Una, pasensya na kung hindi kagandahan ang picture ng dish na ito na entry ko for today. Talagang nagloloko na ang digicam na ginagamit ko at madalas ay medyo blurd ang kuha.

But anyways, kahit hindi kagandanhan ang kuha ng picture ay kabaliktaran naman ang lasa at sarap ng dish na ito. Actually, para siyang caldereta but minus the long list of ingredients na kailangan. Kung baga, ito siguro ang simpliest caldereta version na pwedeng lutuin. At isa pa, iniba ko ng konti ang paraan ng pagluluto. Sa totoo lang, masarap talaga ang kinalabasan ng beef stew ko na ito.


SPICY BEEF STEW

Mga Sangkap:
1 kilo Beef Brisket cut into cubes
3 pcs. large Potatoes cut into cubes
1 small can Reno Liver spread
2 tbsp. Sweet Pickel Relish
1 tsp. Chili Powder
1/3 cup Worcestershire Sauce
1/2 cup Butter
1 head Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
2 pcs. Tomatoes chopped
salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang karne ng baka ng asin at paminta. Hayaan ng mga 30 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali o kaserola, i-prito ang tinimplahang karne ng baka sa butter hanggang sa mag-brown lang ng konti ito.
3. Itabi ng konti ang karne at igisa ang bawang, sibuyas at kamatis.
4. Ilagay na ang worcestershire sauce at sweet pickle relish.
5. Lagyan ng mga 3 tasang tubig at takpan. Hayaang maluto hangpang sa lumambot na ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
6. Kung malambot na ang karne, ilagay na ang patatas.
7. Kung malapit nang maluto ang patatas ay saka ilagay ang reno liver spread.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
Oo nga... simplified version ng Kaldereta. Actuallly, basta may beef, tomato sauce, at potatoes solved na ako.

my Food Trip Friday post
Sorry about your camera. The beef stew sure looks good. I love making beef stew during the winter. :) Yummy!

Adin B
J said…
Naisip ko nga parang lasang kaldereta. Susubukan ko ito kuya!
Dennis said…
@ taraletseat....Yes, simplified version siya ng kaldereta but this is without the tomato sauce. As in pure goodness of sauce from the meat itself.

Thank ha...


Dennis
Dennis said…
@ Inday_adin.....Oo nga eh, sana may mag-regalo sa akin ng agong digicam...hehehe. Yummy talaga ang beef stew na ito. Nasa sa iyo kung gaano ka-spicy ang gusto mo. Dyan sa inyo siguro dapat dagdagan mo ang chili powder para pang-tanggal ginaw....hehehehe

Thanks


Dennis
Dennis said…
@ J..... yup parang kaldereta siya...simple version nga lang.

Thanks my friend...


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy