TINOLANG TAHONG
May ka FB ang aking asawang si Jolly na may food blog din but actually hindi ko pa din naman ito nabi-bisita and I think kamag-anak niya ito na nasa Amerika. Ano ang kinalaman nito sa entry ko for today? Nabanggit kasi niya na may pinost ito na Tinolang Tahong sa kanyang blog at mukha daw masarap.
Hindi ko man nakita o nabasa ang exact recipe nito sa blog niya, nasa isip ko lang ang kung papaano niluluto ang ordinaryong tinola na alam ko. Ang naka-gisnan ko kasi na luto ng tahong ay yung papakuluan lang sa luya at sibuyas na may asin at yun na.
At ito nga ang nilutong kong ulam for dinner nitong isang araw. Nakakatuwa kasi hindi ko ine-expect na magugustuhan ito ng aking mga anak. Humihirit pa nga yung isa pero wala na akong maibigay. Sabi ko na lang, hayaan mo anak magluluto ulit ako nito sa isang araw. hehehehe
TINOLANG TAHONG
1 kilo medium to large size na Tahong (hugasang mabuti at alisin yung parang tali na nakakabit dito)
1 large Sayote o hilaw na papaya (hiwain sa nais na laki)
5 pcs. Siling pang-sigang
2 thumb size Ginger sliced
5 cloves minced Garlic
1 large Onion Sliced
1 tali Dahon ng Sili
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
2. Lagyan ng nais na dami ng tubig na pang-sabaw. Hayaang kumulo.
3. Kung papaya ang gagamitin na gulay, ilagay na ito hanggang sa malapit nang maluto.
4. Kung sayote naman ang gagamitin, ilagay ito kasabay na ng tahong at siling pang-sigang. Hayaang maluto ang tahong at gulay.
5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa nais. Maaari ding timplahan ng patis kung gusto
6. Kung luto na ang tahong at gulay, ilagay na ang dahon ng sili. Patayin ang apoy at hayaan ng mga ilang sandali bago ihain.
Enjoy!!!!
Comments
Eto pala ang link ng foodblog ko, kuya:
http://notjustafoodblog.blogspot.com
Spice Up Your Life
Naka-visit na ako sa blog mo....wow ha gayahin ko din yung mga recipes mo dun.
Thanks
Dennis
Dennis